Ang Katotohanan Sa Balitang Hiwalayan Ni Janella Salvador at Marcus Patterson

Ang Katotohanan Sa Balitang Hiwalayan Ni Janella Salvador at Marcus Patterson

Tunay nga na nakaka intriga ang buhay ng mga artista. Mula sa career at maging sa personal na buhay rin nila. 

Bukod sa pagiging abala ng actress na si Janella Salvador bilang valentina sa teleseryeng Darna, naging usap usapan ito at laman ng social media. 

Patungkol sa katahimikan ng mag kabilaang kampo sa bali-balitang hiwalayan nila ng kanyang nobyo na si Marcus Paterson, na ama ng kanyang anak na si Baby Jude. 

Matapos kasi ang ilang buwang espekulasyon tungkol sa relasyon nila ni Markus Paterson ay kinumpirma na ni Janella Salvador na isa na siyang single mother. Ito ang maanghang at nakakaantig na mga detalye sa pahayag ng actress patungkol rito.

Janella Salvador: Maliban sa matapang na karakter ni Janella Salvador sa Teleseryeng Darna bilang valentina, pinatunayan nya rin ito sa totoong buhay ng diretsahan nitong sagutin ang  TV host na si Bernadette Sembrano sa tanong na " What was the most recent battle she fought for",  aniya ng actress 

Ang Katotohanan Sa Balitang Hiwalayan Ni Janella Salvador at Marcus Patterson

"Being a single mom, talagang nilalaban ko 'yun. At the end of the day, alam kong kaya ko naman  sya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin. I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba". 

At sinabi rin ng actress sa magkaibang interview na "Basta masaya kami individually".  

Mukhang masaya naman ang magkabilaang kampo sa kanilang mga naging pasya. Samot-sari parin ang komento ng nga netizens patungkol dito, may mga nalungkot, humanga at nainis. 

Marcus Paterson: Pinabulaanan naman ni Marcus Paterson ang isang tweet patungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ng actress, aniya "saw some tweets circulating. 

FACT: 

"I have NEVER, and WILL never lay my hands on a woman. My parents raised me right. I’ll address the rest on the podcast".  

Subalit hindi pa rin ito nakatakas sa batikos ng mga netizens sapagkat nagsalita si Marcus sa isang Tv shows na Rise Artist Studio, matapos silang tanungin ng " Shares lesson from past Relationships", aniya ni Marcus " Never (FCKNG) date someone in the Industry" na sya namang inulan ng batikos. 

Komento ng iilan, immature pa umano itong si Marcus. Ngunit may mga nagsasabe rin na dapat lamang dahil masydo pa silang mga bata at dapat focus muna ang mga ito sa kani kanilang career.

Hindi na bago ang istoryang hiwalayan sa Industriya ng Showbiz, minsan ang chismis walang mintis. Ikaw? Ano naman ang saloobin mo sa talakaying ito? Comment down below.


No comments:

Post a Comment

Sponsor