Kalansay Ni Jovelyn Galleno Umani Ng Mga Di Sang-Ayon Na Kumento

Kalansay Ni Jovelyn Galleno Umani Ng Mga Di Sang-Ayon Na Kumento

Kalansay Ni Jovelyn Galleno Umani Ng Mga Di Sang-Ayon Na Kumento

Matatandaang ang nawawalang dalagita na si Jovelyn Galleno noong Agosto ng 23 ay naging isang misteryo sa Puerto Princesa ng ilang linggo, ngunit sa pagkakahanap na sa dalagita walang na itong buhay at pawang kalansay na lamang ito ng matagpuan? posible kaya ito? o may kaakibat may likod sa lahat ng kaganapan na misteryo?

Batay sa resulta ng DNA test. Labis ang paghiginagpis ng ina ni Jovelyn Galleno matapos kumpirmahin ni PLTCOL Joseph Dela Cruz ang Chief City Investigation Unit na ang naturang pagkakakita sa mga di umano’y buto ng dalagita. 

Ngunit sa kabila ng pagkakita sa labi, madaming netizens ang bumabatikos at hindi sumasang-ayon dahil sa walang mailatag na matibay na impormasyon at pagpapatunay sa pangyayari bago maglaho ng tuluyan ang biktima.

Pamilya Ng Biktima: Dahil hindi matanggap ng pamilya ng biktima, hindi sila naniniwala kahit lumabas na positibo ang DNA result ng natagpuang kalansay ay ang nawawalang biktima. 

Ang panayam sa kapatid ni Jovelyn na si Jocelyn Galleno matapos maka-usap ng dalaga ang suspek nagpahiwatig ito ng ilang mga senyales na tinatangging  na si Jovelyn Galleno ay ang kalansay na natagpuan ng mga otoridad  at posibleng ang dalagita ay buhay pa.

Komento ng mga Netizens: Isang Doktor ang nagkomento at nagbatikos sa kapwa niya Doktor dahil sa mabilis na paglabas ng resulta ng DNA test ng biktima at tinawag na hindi makatotohanan ang naturang pahayag "“As a medico-legal officer myself, I call on these statements made RECKLESS AND IRRESPONSIBLE.” ani ng Doktor. 

Isang pang doktor ang nagbigay ng saloobin batay sa nilabas  test ay wala raw na ganoong kabilis na pagdecompose ng isang katawan at katawa tawang magiging bungo agad ang isang tao sa loob lamang ng 2 linggo sa ganoong kalidad na klima. 

Scripted na suspek: Matatandaan ang pag-amin ng pangunahing suspek na si Leobert Dasmariñas sa pagpat𝔞y sa dalagitang si Jovelyn Galleno. 

Subalit Ibinunyag na inalok siya ng pera ng isang miyembro ng Puerto Princesa PNP upang ‘tulungan’ sila sa imbestigasyon. Inamin naman nito na pinilit lamang siya na ituro ang nasabing lokasyon kung saan nakita ang mga gamit ni Jovelyn at ang isang kalansay na ayon sa DNA test ay positibong ang dalaga. 

Sino ang dapat managot? Ano ang katotohanan sa likod ng misteryo ng krimen na Ito? 

Sa pagkakatuklas at pagkakatagpi tagpi ng impormasyon ay unti unti din tayong dinadala sa katotohanan. Dalangin ng pamilya at ng mamamayan ay karampatang hustisya para kay JOVELYN ngunit dito sa Pinas alam naman natin na malabo ang salitang ‘hustisya’ lalo na kung ang taong nasa likod nito ay may pawang may kapangyarihan o pribilyadong tao mismo. 

Ano ang inyong mga komento sa usaping ito?


No comments:

Post a Comment

Sponsor