Mga Artistang Pinagtaksilan ang Kanilang Nobya/Asawa

Mga Artistang Pinagtaksilan ang Kanilang Nobyo/Nobya/Asawa

Mga Artistang Pinagtaksilan ang Kanilang NobyaAsawa

Pagdating sa lovelife, madalas na napapa-sana all ka na lang sa mga celebrity couples lalo na kung lagi silang laman ng balita at social media. 

Patok din sa mga Pinoy ang kwentong magtambalan sa screen na naging magka-relasyon sa tunay na buhay. Pero kung ingay lang din naman sa showbiz ang pagbabasihan, wala nang mas mainit pa sa mga tenga ng marites ang mga mag-jowa at mag-asawa na nauwi sa hiwalayan dahil sa third party.

Kilalanin ang mga sikat na artistang naging taksil sa kanilang mga karelasyon.

1. Gerald Anderson

Nabuhay ang entertainment news nang sumiklab ang dating rumors nina Gerald Anderson at Julia Barretto dahil sa kanilang mga cryptic posts sa Instagram. At nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon sa publiko, hindi maiwasan ng mga netizens na ungkatin ang mga nakaraang relationship ni Gerald Anderson.

Partikular na ang isyu sa kanyang past relationship kasama ang aktres na si Bea Alonzo. 

Sa mga iba’t ibang interview na ginawa ng aktres, sinabi niya na hindi lang naging taksil si Gerald Anderson habang sila ay nasa relasyon. Naging ghoster at gaslighter din daw ang aktor. Matagal nang spekulasyon sa publiko na si Julia Barretto ang naging third-party sa hiwalayan nina Bea at Gerald. Bagay naman na itinanggi ng mag-jowa.

2. Bong Revilla Jr.

Bago pa man pumasok sa pulitika ang kontrobersyal na senador, naging artista muna ito katulad ng kanyang asawa na si Lani Mercado.

Sa isang interview sa talkshow ni Boy Abunda, inilahad ni Lani Mercado ang naging isyu ng mag-asawa nang pagtaksilan siya ni Bong Revilla. Ayon sa dating aktres na ngayon ay Mayor ng Bacoor, Cavite, nagkaroon ng isang affair ang senador kay Lovely Guzman na nauwi sa pagkabuntis.

Si Lovely Guzman ang ex-girlfriend ni Bong Revilla bago pa man siya pumasok sa relasyon kay Lani Mercado. Nangyari ang pagtataksil ng senador noong 1991 nang pumanaw ang anak nilang mag-asawa wala pang isang buwan matapos siyang ipanganak.

Ayon kay Lani, naging masakit para sa kanya ang ginawa ng kanyang asawa. Pero dahil siya ay galing din sa pangalawang relasyon sa kanyang ina, unti-unti niyang tinanggap ang anak ni Bong Revilla at inituring niya itong parte ng kaniyang pamilya. 

3. Aljur Abrenica

Ang paghihiwalay ni Aljur Abrenica sa kanyang asawa na si Kylie Padilla ay isa sa mga sinubaybayan ng mga netizens. 

Sa isang Facebook post ni Aljur Abrenica, hinamon niya ang kanyang dating asawa na isapubliko ang rason kung bakit sila naghiwalay. Ibinato rin niya kay Kylie na sabihin kung sino ang naging unang taksil sa kanilang relasyon. Dito nagsimula ang mga haka-haka na ang naging rason ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa pagiging unfaithful ng aktres sa kanyang asawa.

Bilang sagot sa Facebook post ni Abrenica, idinaan ni Kylie sa song lyrics ang kanyang mga pahiwatig. Sa kanyang Instagram story, nagpost ang aktres ng mga iba’t ibang kanta tungkol sa pagiging malaya at masaya. Ngunit isang quote ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens. “Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes”, ang post ni Kylie.

Dahil dito, inisip ng marami na si Aljur Abrenica ang naging unfaithful sa kanilang relasyon at hindi si Kylie. Bagay naman na kinumpirma ng ama ni Kylie na si Robin Padilla nang tanungin kung may third-party na involved sa hiwalayan ng mag-asawa. 

Ayon kay Robin Padilla, mayroong naging kabit si Aljur ngunit hindi na niya ito binunyag kung sino. Nananatiling civil ang pakikitungo ng dating mag-asawa para sa kanilang dalawang anak.

4. Paolo Contis

Isa sa mga pinakamaingay na hiwalayan na naganap noong nakaraang taon ay ang hiwalayan sa pagitan ni Paolo Contis at LJ Reyes.

Unang sumiklab ang isyu nang mapansin ng mga netizens na hindi na fina-follow ni Paolo si LJ sa Instagram. Binura rin ng aktor ang kanilang mga litrato sa social media. Dahil dito, maraming umakala na tunay na naghiwalay na ang celebrity couple.

Kinumpirma naman ito ng talent manager ni Paolo na si Lolit Solis at sinabi na ang kanilang paghihiwalay ay resulta ng mutual decision. Pero dahil sa kumalat na litrato ni Paolo Contis kasama si Yen Santos sa Baguio na magka-holding hands, itinuturing third-party ang naging dahilan ng hiwalayan.

Nang maisapubliko ang paghihiwalay ni Paolo Contis at LJ Reyes, mas naging bukas si Contis at Santos sa social media. Nakita rin ang dalawa na magkasama sa Boracay. May mga pregnancy rumors din na lumabas, bagay na agad itinanggi ni Paolo Contis.

5. Jason Hernandez

Isa sa mga pinakanakakagulat na hiwalayan ay ang celebrity-singer couple na sina Jason Hernandez at Moira dela Torre. 

Kilala si Jason at Moira bilang isang picture-perfect couple sa social media na laging sweet at mapagmahal sa isa’t isa. Ngunit noong April, may mga kumakalat na chismis sa internet na naghiwalay na ang dalawa dahil sa umano’y pagiging taksil ni Moira sa kanyang asawa. Agad naman itong itinanggi ni Jason at iginiit na sila ay kasal pa rin at walang cheating na naganap.

Ngunit wala pang isang buwan ang nakalipas ay umamin si Jason Hernandez na siya ay nangaliwa kay Moira. Sa isang joint statement na inilabas ng dating mag-asawa, kinumpirma nilang dalawa ang hiwalayan matapos ang tatlong taon. Dagdag pa ni Hernandez, mas pipiliin niyang umamin na siya ay naging taksil kaysa sa itago ang kanyang kasalanan kay Moira. Wala namang nabanggit ang dalawa kung sino ang naging third-party sa kanilang hiwalayan.

6. Skusta Clee

Maingay sa social media ang naging bangayan ng rapper na si Skusta Clee at vlogger na si Zeinab Harake matapos ang miscarriage ni Zeinab sa kanilang pangalawang anak. Sa isang interview, ikinuwento ng vlogger na nagdesisyon na ang dalawa na maghiwalay at ito ay dahil sa pangangaliwa ni Skusta Clee.

Ayon kay Zeinab, naging taksil ang rapper habang siya ay buntis sa kanilang pangalawang anak. Emosyonal din niyang ikinuwento kung papaano siya naiwang mag-isa habang nagdadalamhati nang siya ay makunan. 

Nagawang patawarin pa ni Zeinab si Skusta Clee alang-alang sa kanilang unang anak ngunit umamin din ang rapper sa mga iba pa niyang panloloko na nauwi sa tuluyang paghihiwalay ng dalawa. Dagdag ni Zeinab, brutal ang pag-amin ni Skusta Clee sa lahat ng kanyang mga pagtataksil na naging diring-diri siya sa kanyang sarili. Pero sa huli, kahit hindi naging maganda ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay nagpasalamat pa rin ang vlogger dahil binigyan siya ng isang magandang anak.


No comments:

Post a Comment

Sponsor