Mga Celebrities Na May Mamahaling Kasal at Engagement Rings

Mga Celebrities Na May Mamahaling Kasal at Engagement Rings

Mga Celebrities Na May Mamahaling Kasal at Engagement Rings

Alam naman nating mayaman talaga yung mga artista dahil malaki ang bayad ng trabaho nila. Dito sa artikulong ‘to, makikilala niyo ang mga artistang may mga mamahaling kasal at engagement rings. Tignan natin kung gaano ka layo aabot ang yaman nila.

Ang kasal ay isa sa mga sandaling hinding-hindi malilimutan. Artista man o hindi, siguradong karamihan ng mga tao ay gustong magkaroon ng bonggang kasal. Para sa mga katulad nina Vicki Belo at Toni Gonzaga, hindi ito mahirap makamit. 

At hindi lang kasal ang pinapaniguradong sosyal at mamahalin. Pati na rin ang engagement ring ay makinang, ngunit mabigat sa bulsa. Kinolekta namin ang iba’t ibang sikat na mag-asawa na nakikita niyo sa telebisyon at pati na rin sa social media. Tignan natin.

1. Vicki Belo at Hayden Kho

Unang una sa ating listahan ay si Vicki Belo. Si Vicki Belo ay isang kilalang dermatologist dito sa Pinas. Maliban sa pagiging peymus na dermatologist, siya din ang tagapagtatag ng Belo Medical Group. 

Ang asawa niya ngayon, si Hayden Kho ay nagpropose gamit ang isang diamond engagement ring. At hindi lang anumang singsing na diyamante, kundi isang Ashoka cut diamond ring. Napakarare ng diamond na ito. Wala mang sinabi si Vicki tungkol sa halaga nito, ayon sa maraming mga maaasahang source, ang singsing ay tumitimbang sa paligid ng 2 hanggang 10 carats. 

Ang kanyang singsing ay nagkakahalaga ng 1 milyong USD. Kinasal din siya sa isang American Church sa Paris. Sobrang ganda parang galing sa fairytale, pinangalan ito bilang “Wedding of the Century”.

2. Anne Curtis and Erwan Heussaff

Hindi naman mawawala ang sikat na showtime host sa ating listahan.  Si Anne Curtis ay isang kilalang actress. Nagpakasal siya noong 2017 kay Erwan Heussaff, isang chef at youtuber. Pinili nila ang lokasyong New Zealand bilang lugar sa kanilang garden wedding. 

Sinama nila ang kanilang mga kaibigan at pamilya para ipagdiwang ang kanilang araw. Di man gaano karami ang kanilang mga bisita, bongga parin ang kanilang pag-iisang dibdib. 

3. Solenn Heussaff at Nico Bolzico

Kasama din sa listahan ang kapatid ni Erwan Heussaff. Sina Solenn at Nico ay sikat at minamahal ng lahat kaya tuwang-tuwa naman ang mga tagasuporta nang makita ang mga larawan ng kanilang kasal. Ginanap ang kanilang kasal sa Combourg, France at dito, suot-suot ni Solenn ang kanyang wedding dress na ginawa ng isang Israeli na designer na si Lihi Hod.

4. Toni Gonzaga at Paul Soriano

Si Toni Gonzaga ay isang sikat na singer, vlogger at actress. Kilala niyo siya siguro galing sa Toni Talks o sa iba niyang mga sine at teleserye. Kinasal siya kay Paul Soriano, isang direktor at kilala sila bilang golden couple dahil sa kinatagal ng relasyon nilang 8 taon na. Binigyan siya ng singsing na 1.5 carat diamond solitaire galing sa Israel na nagkakahalaga ng 2 milyong piso. 

5. Heart Evangelista at Chiz Escudero

Hindi makukumpleto ang bidyo nang hindi natin maibabanggit ang totoong Crazy Rich Asian na si Heart Evangelista. Kilala si Heart bilang actress at dahil na din sa kaniyang interes sa fashion at katayuan sa lipunan. Mahilig si Heart sa mga designer brands kaya hindi naman sorpresang sosyal ang kanyang kasal. 

Naganap ang kasal nila ni Senator Chiz Escudero sa Balesin Island, isa sa pinakamahal na isla ng bansa. Pinalibutan ang lugar ng 5 libong puting wisteria stems at 100 crystals. Suot ni Heart ang gown na design ni Ezra Santos, isang Dubai-based Filipino designer. 

Ang gown ay may detachable na 5 metrong train at 7o libong swarovski crystals at iba pa. Pero bago ang okasyon na ito binigyan si Heart ng bonggang engagement ring. Isang heirloom diamond ring na hugis puso ang inalok sa kanya ni Sen. Chiz. Napakasopistikado at elegante ang singsing na ito at bagay na bagay para sa babaeng tulad ni Heart.

6. Marian Rivera at Dingdong Dantes

Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay nagkaroon ng isang maharlikang kasal sa Immaculate Conception Cathedral ng Cubao. Ang kakaiba sa kanilang kasal ay ang malaking LED screen sa labas para sa mga fans na nanonood. Maliban diyan, pinakita din ang buong kasal sa telebisyon. Suot ni Marian ang isang Michael Cinco lace gown na higit 2 milyong piso ang halaga. 

7. Angel Locsin at Neil Arce

Ang singsing ni Angel Locsin ay naging usapan ng bayan ng masagip ito ng mga netizens. Ang fiance ni Angel ay si Neil Arce, isang film producer. Niregaluhan siya nito ng white gold 4.24 carat princess solitaire diamond ring. 

Mahigit 2 milyong piso ang presyo ng singsing. Maraming nagsabi na ang singsing na ito ang pinaka eleganteng singsing na naibigay sa isang Pinay celebrity. At alam niyo ba na ang best friend ni Angel na si Dimples Romana ang tumulong kay Neil na humanap ng pinakaperpektong singing para sa kaniya? Mukhang hindi naman sila nagkamali sa pagpili. 

8. Sarah Lahbati at Richard Gutierrez 

Pagkatapos ng 5 taon, nag-alok na din ng kasal si Richard Gutierrez kay actress Sarah Lahbati. Nakita ito ng lahat sa kanilang engagement party. Ayon sa isang showbiz blog, ang diamond ring ay hindi bababa sa 2 carat. At ayon naman sa Diamond Registry, isang nangungunang diamond wholesaler, ang mga presyo ng 2-carat diamonds ay nasa pagitan ng 255,447 pesos at 2.44 milyong piso kada carat. 

At alalahin niyong hindi ito ang unang beses na binigyan ni Richard si Sarah ng singsing. Niregaluhan niya rin ang asawa dati ng blue sapphire promise ring.

Ibinahagi namin dito ang iba’t ibang mga artistang may mga mamahaling kasal at singsing. Kaunti lamang ito kumpara sa marami pang mga artista. Dito na po nagtatapos ang topic natin ngayon. Sana nagustuhan niyo. Hanggang sa muli!


No comments:

Post a Comment

Sponsor