Vhong Navarro, Muling Hinarap Ang Kaso Ni Deniece Cornejo
Vhong Navarro, Muling Hinarap Ang Kaso Ni Deniece Cornejo
Ang pagibig na sana'y mala Rosas, naging ugat sa paghimas ng rehas.
Atin namang talakayin ang nangyare noong Enero dalawang’put-dalawa taong 2014, patungkol sa Tv host at actor na si Vhong Navarro laban sa isinampa na kasong r𝔞pe ng dating model na si Deniece Cornejo.
Kung ating alalahanin ito ay isang kontrobersyal na kaso taong 2014. Ngunit sa kabilang banda kinasohan naman ng Taguig City Metropolitan Trial Court Branch 74 o (METC) ang businessman na si Cedrick lee, Deniece Cornejo at mga iba pa nitong kasamahan. Dahil umano sa pagbugbog at pagpumilit sa actor na aminin ang krimen.
Hinatulan ang mga ito ng Grave coercion na maximum of six months and a maximum of three years sa bilanguan. Samantala, muling binuhay ang kaso laban sa actor, ngunit hindi nagpasindak ang kampo ni Vhong Navarro sa utos ng Court of Appeal.
Vhong Navarro : Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng Showbiz bilang isa sa miyembro ng Streetboys. Sumikat din ito sa kanyang novelty songs na Totoy bibo, Don Romantico, at chickboy. Bukod dito bumida rin ito sa mga pelikula gaya ng Agent x44 at Gagamboy na talaga namang kinagigiliwan ng buong sambayanan.
Ilan lamang ito sa mga binida nyang pelikula ngunit sa kabilang dako ng kanyang tinatamasang papuri ay nasangkot ito sa kaso.
At sa muling pagbuhay ng kaso nanindigan ang actor, sa panayam ng ABS-CBN sinabe niyang "Ang tanging naging kasalanan ko lang noon ay ang lokohin ang nobya ko noong panahong iyon na ngayon misis kona".
Ayon naman sa abogado ng actor na si atty. Alma Mallonga, " The decision is not yet final as Vhong Navarro will ask the Court of Appeals to reconsider the same. He will exercise all the other rights and remedies that are available to him under the law".
At hindi rin nagpahuli sa supporta ang dati nitong asawa na si Bianca Lapuz, aniya "Maging mahirap para sakin ang mag co-parent kay Vhong kung hindi ito mabuting tao". Matatandaang may anak sila na si Isaiah lapus Navarro.
Aminado man ang actor na sya ay nangangamba parin sa kaso, masaya naman nitong sinalubong ang kanilang anibersaryo ng kanyang misis na si Tanya Bautista sa Instagram post na may caption na
"Maraming salamat Lord dahil binigay mo siya sakin. Pinagisa mo kami para manatiling matatag sa isat isa at mag-aalalayan habang buhay. Maraming salamat mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap o ginhawa. Happy 14 anniversary and Happy 3rd wedding Anniversary! Iloveyousomuch".
Marami ang naantig, bumati at sumuporta.
Deniece Cornejo : Ngunit mainit naman ang sigaw ng Citizen Crime Watch o (CCW) nang kinalampag nila ang Taguig Hall of Justice. Ayon sa President ng Citizen Crime Watch na si Diego Magpantay, " That's why we are asking the Regional Trial Court to raffle now the case, against Vhong Navarro to determined weather he is guilty and to determined if he is innocent".
Panawagan naman ng taga pagsalita ng Pamilya Cornejo na si atty. Axel Gonzalez , aniya " it should be an equal Justice under the law, kung ano ang ginawa nila kay Cedrick lee at Deniece Cornejo noong 2014 dapat ganun din kay Vhong Navarro dapat makulong sya ngayon".
Sa pagpatuloy ng kaso, nais naman kunan ng media ang pahayag ni Deniece Cornejo ngunit tumanggi na ito.
Ang bawat kaso ay may kanya kanyang anggulo. Sino kaya ang nagsasabe ng totoo? Sino naman kaya ang makakalaboso? Kayo? Ano ang inyong komento?
No comments:
Post a Comment