Kilalanin Ang Rumored Boyfriend ni Zeinab Harake na si Bobby Ray Parks Jr

Kilalanin Ang Rumored Boyfriend ni Zeinab Harake na si Bobby Ray Parks Jr

Kilalanin Ang Rumored Boyfriend ni Zeinab Harake na si Bobby Ray Parks Jr

Isa sa mga nangungunang vlogger at social media personality sa bansa ay walang iba kundi si Zeinab Harake.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa lagpas 13 million ang subscribers ni Zeinab sa YouTube habang lagpas 12 million naman ang kanyang followers sa Facebook at 5 million sa Instagram.

Dahil sa kasikatan, kaya maituturing na isang celebrity si Zeinab, na ilang beses na ring lumabas sa TV.

Ito rin ang dahilan kaya naman maraming interesado sa kanyang buhay, lalo na sa kanyang buhay pag-ibig.

At nito lamang nga ay bumulabog sa mundo ng social media ang balitang may bagong lalaking nagpapatibok ngayon sa puso ni Zeinab.

Kinilala ng netizens ang rumored boyfriend ngayon ni Zeinab bilang si dating PBA player Bobby Ray Parks Jr.

Nagsimula ang haka-haka nang mapansin ng mga netizen na pareho ang suot niyang sapatos sa lalaking kasama ni Zeinab sa Instagram reel nito kung saan siya ay nasa Japan.

Ayon pa sa netizens, pwedeng nagkita sina Zeinab at Ray sa Japan dahil kasalukuyang naglalaro ang huli sa Nagoya Diamond Dolphins sa Japanese B.League.

Maliban sa detalyeng ito, napansin din ng mga netizen na pina-follow ni Zeinab si Ray sa Instagram at nila-like niya ang mga post nito.

Ang pamilya at mga kaibigan ni Zeinab ay naka-follow din kay Ray, tulad ng kanyang kapatid na si Rana.

Hanggang nitong Sabado lamang, May 5, kinumpirma ng self-proclaimed “Pambansang Marites” ng bansa na nililigawan ni Ray si Zeinab.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Xian na kasama siya nina Zeinab at Ray sa Japan.

Ibinahagi rin niya ang ilang larawan nila na nasa Japan, at kabilang dito ang mga sweet photo nina Zeinab at Ray.

Iginiit naman ni Xian na hindi kabit si Zeinab dahil single at walang asawa raw si Ray.

Ani Xian, “GUSTO KO LANG PO LINAWIN SA BUONG SAMBAYANANG MARITES NA ANG, BESTFRIEND KO NA SI Zeinab Harake AY HINDI ISANG KABIT.  NANLILIGAW PO SA KANYA ANG PROFESSIONAL BASKETBALL PLAYER NA SI BOBBY RAY PARKS JR. NA SINGLE AT WALANG ASAWA. KAMI PO AY NAGKITA-KITA SA JAPAN NOONG BUWAN NG ABRIL.”

“HINDI PO AKO NAG-UPLOAD NG KAHIT ANONG LARAWAN DAHIL GUSTO LANG PO SANA NAMIN MAGPAKA-LOWKEY PERO PATULOY NIYO PA RING GINUGULO AT SINISIRAAN YUNG NANANAHIMIK KONG KAIBIGAN,” dagdag pa niya.

Nanawagan din si Xian na respetuhin ng netizens ang ‘private life’ ni Ray.

Ani Xian, “NAWA’Y RESPETUHIN PO NATIN ANG KANILANG PRIVATE LIFE, KAHIT HUWAG NA SI ZEINAB, KAHIT SI GINOONG PARKS NA LANG NA WALANG ALAM SA MAINGAY NA MUNDO NG SOCIAL MEDIA MARAMING SALAMAT PO.”

Matatandaang huling nakarelasyon ni Zeinab ang Pinoy rapper singer na si Skusta Clee habang ang huling girlfriend ni Ray ay ang TV actress at miyembro ng GirlTrend na si Maika Rivera.

KILALANIN SI BOBBY RAY PARKS JR.

Image by: Bobby Ray Parks Jr

Samantala, taliwas sa sinabi ni Xian, hindi na bago kay Ray ang ingay ng social media. 

Bilang professional basketball player, ilang beses na siyang naging sentro ng atensyon sa social media. 

Matatandaang unang nakilala si Ray ng mga netizen nang sumali siya sa basketball team ng National University noong 2011 at naglaro sa UAAP kung saan dalawang beses siyang nanalo ng Most Valuable Player award noong 2011 at 2012.

Naging malawak naman ang kasikatan ni Ray matapos ang kanyang paghahangad na maging kauna-unahang ipinanganak sa Pilipinas na naglaro sa NBA noong 2015, kasunod ng kanyang matagumpay na karera sa UAAP. 

Sa kabuuan ng kanyang NBA stint, inanyayahan siya para sa pre-draft workout ng Utah Jazz, Brooklyn Nets, Dallas Mavericks, Atlanta Hawks at Boston Celtics. 

Gayunpaman, nabigo siyang maglaro sa NBA matapos hindi siya ma-draft.

Ngunit kasunod nito, nakakuha naman siya ng pagkakataon na maglaro para sa Dallas Mavericks para sa koponan nito sa NBA Summer League.

Pagkatapos nito, si Bobby ay naglaro sa maraming liga sa ibang bansa. 

Hanggang noong 2018, sumali siya sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos siyang mapili ng Blackwater Elite sa PBA Draft.

Bukod dito, naglaro rin siya para sa TNT Tropang GIGA.

Noong 2021, pumirma si Parks sa Japanese team. 

Ayon sa ulat, pumirma si Ray ng isang taong extension ng kontrata sa koponan noong nakaraang taon.


No comments:

Post a Comment

Sponsor