Ganito Pala Kayaman si VP Sara Duterte

Ganito Pala Kayaman si VP Sara Duterte

Ang kasalukyan nating Vice President na si Sara Duterte o mas kilala sa tawag sa kanyang “Inday Sara” ang ating pag-uusapan. At ang tanong, gaano nga ba kayaman si Inday Sara?

Kapag ang isang personalidad ay nasa larangan ng politika. Aba syempre ika’y maiintriga sa kaakibat na yaman nila. 

Ang kasalukyan nating Vice President na si Sara Duterte o mas kilala sa tawag sa kanyang “Inday Sara” ang ating pag-uusapan. At ang tanong, gaano nga ba kayaman si Inday Sara?  

Gaano kayaman si Sara Duterte: 

Alam mo ba na si Sara Duterte ay unang naupo sa pwesto taong 2007 bilang bise alkalde ng Davao. At sa kaparehong taon naghain si Sara ng kanyang unang SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth noong 2007 nang siya ay nahalal bilang bise alkalde, ang kanyang unang taon sa panunungkulan ay nagdeklara ito ng kanyang net worth na may halagang 7.25 milyon pesos. 

Ito ay mas mataas kung ating ikukumpara sa net worth ng kanyang ama at kapatid na si Paolo.

Ayon naman Philippine Center of Investigative Journalism o(PCIJ) ang mga ari- arian ng mga Duterte ay mas lalo umanong tumataas sa loob ng kanilang patuloy na panunungkulan, at sila umano ay may mga tinatago pang yaman na hindi nila nilagay sa SALN upang maibestigahan. Gayunpaman tuloy-tuloy parin ang pag-imbestiga sa kanilang mga land properties at mga negosyo na kanila umanong pinapatakbo.

Base naman sa mga panayam, sumagot si Sara Duterte at ayon sa kanya hindi na dapat kinukundina ang kanilang mga ari-arian o net worth dahil sila umanong mag-asawa ay may mga pinapatakbong negosyo na nagresulta ng pagtaas ng kanilang pera sa ilang mga taong  nakalipas.

Hindi rin nakaligtas ang PCIJ ng sinabihan sila ng dating pangulo na sila umano ay maaaring binayaran para magreport ng kasiraan sa kanilang pamilya, ngunit mariinan naman itong itinanggi ng PCIJ. Ayon sa kanila nararapat lamang na siyasatin ang nakakalulang pagtaas ng kanilang mga yaman at dapat lang din umano na makisama sa pag iimbestiga ang pamilyang Duterte.

At noong taong 2017 ang kanilang net work ay talagang tumaas, si Sara Duterte ang talagang nangunguna dahil ang kanyang Net worth sa taong 2017 ay umabot na sa 44.8 million pesos kalaki.

Nanindigan ang mga sumusuporta sa pamilyang Duterte na lubos parin ang kanilang tiwala na hindi ito galing sa nakaw dahil sa loob ng panunungkulan nila ay marami umanong nabago sa lalawigan ng Davao. 

Sa loob rin ng  termino ni Sara Duterte ay halos na kompleto nya ang mahigit 3,000 na proyekto para sa pagbabago ng kanilang probinsya, kabilang na ang mga pam-publikong kalsada, tulay, mga health care facilities kabilang na ang mga COVID-19 facilities at mga tirahan para sa mga kababayan na walang kakahayan na magpatayo ng kanilang sariling mga bahay at bukod dun ay marami pang iba.

Ngunit itong mga akusasyon na ito ay matagal ng sinagot ng pangulo sa loob ng kanyang termino, ayon sa kanya sila ay talagang pinanganak sa hirap pero hindi sila gaano kahirap dahil bago umano pumanaw ang kanya ama na dating governor ay mayroon itong pinamana sa kanila na mga kalupaan at mga ari-arian at dapat umano itong irespeto hangga’t hindi naman ito nadadawit sa kaban ng bayan o sa makatuwid hindi naman napapatunayan na galing ito sa nakaw. 

Subalit hindi parin nakatakas ang presidente sa mga batikos tungkol naman sa nakakalulang yaman ng kanyang mga anak. Hindi pa man nailantad sa publiko ang lahat ng yaman ng pamilyang Duterte ay nakakalula na ang kanilang mga Net worth.

Isa ka ba sa mga sumusuporta kay Inday Sara? O kaya’y isa ka sa mga nalula sa pambihirang pagtaas ng kanilang mga yaman? Ano ang iyong pinaniniwalaan? 


No comments:

Post a Comment

Sponsor