Gaano Kayaman Ang Mister Ni Angel Locsin Na Si Neil Arce?

Gaano Kayaman Ang Mister Ni Angel Locsin Na Si Neil Arce?

Si Neil Arce ang bumihag sa sikat at beteranang aktres na si Angelica Locsin Colmenares o kilala natin sa pangalang Angel Locsin

Bukod sa yaman ng mismong celebrity, aba minsan ang kanilang mga asawa ay hindi rin nagpapahuli. 

Si Neil Arce ang bumihag sa sikat at beteranang aktres na si Angelica Locsin Colmenares o kilala natin sa pangalang Angel Locsin. Lahat na yata ng mga netizens ay masyadong intrigang-intriga pagdating sa buhay ng mga artista, lalo na’t maraming taga-hanga ang aktres kaya naman hindi rin maiwasan na kilatisin ng kanyang mga fans ang kanyang mapapangasawa na si Neil Arce.

Si Neil Antonius Arce ay anak nina Mauro Arce at ang kanyang ina naman ay si Jean Arce, si Neil ay may unang anak sa kanyang unang kinakasama ngunit sila ay naghiwalay rin.

Neil's Relationship Timeline:  Pag-dating sa usaping pag-ibig, hindi naman maipag-kakaila na si Neil ay nagkaroon ng relasyon sa mga ilang artista katulad ni Maxene Magalona na umabot ng halos dalawang taon at ang aktres naman na si Bela Padilla na umabot rin naman ng apat na taon.

Hanggang sa matagpuan niya ang aktres na si Angel Locsin kung saan ito ang kanyang pinakasalan, samantala naging pribado ang pagsasama ng dalawa ngayon dahil tila ba parehas silang nanahimik matapos ang bali-balitang hiwalay na sila nito at may third party umanong nagaganap kung saan dawit ang pangalan ng kanya ex-girlfriend na si Maxene Magalona.

Sa kabila ng mga espekulasyon, hindi talaga nagpapatinag sa pananahimik ang aktres, dahil magpasa hanggang ngayon hindi parin nila kinompirma ang kanilang tunay na estado. 

Samantala makalipas naman ang ilang araw ng matapos silang pagpiyestahan sa social media dahil sa lumabas na tsika na diumano’y hiwalay na sila ng misis n’yang si Angel Locsin.  Sumagot na sa intriga ang businessman/movie producer na si Neil Arce. 

Ayon sa kanya wala umanong katotohanan ang mga ikinakalat na fake news sa social media, dagdag pa ni Neil "Me and my wife are charitable people". Donation na po namin sa fake news peddlers yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake news. Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan"

Neil's wealth: 

Lumaki na talaga si Neil sa pamilya na kung saan ang pagnenegosyo ang inaatupag, ang kanyang pamilya ang nagmamay-ari sa mga sikat na local brand  ice cream dito sa ating bansa tulad ng “ArceDairy” at “Selecta ice cream”. 

Ang family business na ito ay naipatayo na simula pa sa taong 1935 ng kanyang Lolo na si Ramon Acre Sr. at ito ay kanilang ipinagpatuloy hanggang sa ngayon.

Samantala si Neil Arce ay isa ring film producer, director, writer, businessman at professional poker player. Dahil sa kanyang family background at husay sa paglalaro ng poker, si Neil ay binansagang 'Dirty Ice cream'.

Isa si Neil sa mga pinakamahusay na manlalaro pagdating sa poker dito sa Pilipinas at sa katunayan nga ay isa na si Neil sa founder ng pinakamalaking poker room sa buong Asia na 'Metro Card Club', dahil noong 2009 si Neil ay nanalo sa isang patimpalak na Asian poker Tournament dito sa pilipinas na kung saan siya ay nanalo ng halos 9 million pesos.

Pagdating naman sa kanyang pagiging film producer, siya ay marami ng nai- produce tulad ng pelikula na “10,000 hours” noong 2013, “Sid and Aya”, “Love Story”, “Camp Sawi”, “Last Night”, “Ulan” at marami pang iba.

At nito ngang buwan ng August taong 2021 ipinakita ng mag-asawa ang kanila House Tour sa kanilang sariling YouTube channel na 'Angel and Neil Channel' ang kanilang humble home. Ito ay malaki at kulay puti. Mayroon itong malaki at stylish living area, may disenyo na Art work at Kurt Cobain painting, outdoor laundry area, at walk in closet na tinawag nilang "Walis Closet".

Base naman sa aming nakalap na mga impormasyon si Neil Arce ay may halos 10 million pesos na Net Worth as of 2022.

Talagang pinatunayan ng dalawang ito ang sumpaang "for better or for worse and in sickness and in health" sila parin ay mananatiling matatag sa kabila ng samu’t-saring paninira sa kanilang pagsasama.


No comments:

Post a Comment

Sponsor