Gaano Kayaman Si Konsehal Nash Aguas?

Gaano Kayaman Ang Goin' Bulilit Star At Konsehal Na Si Nash Aguas?

Gaano Kayaman Si Konsehal Nash Aguas?

Little boy no more na ang dating maliit at makulit sa going bulilit na si Nash Aguas. Dahil sa kanyang karera sa showbiz kasabay ng kanyang pagbibinata ang pag-yabong naman ng kanyang yaman. 

Halos lahat ng mga tao ay aliw na aliw sa dating child star na si Nash Aguas sa kanyang unang career na kabilang sa Goin Bulilit kung saan ang mga bata ay nagsasadula ng ibat ibang nakakatawang pangyayari na may kapupulotan ng aral. 

Early career: 

Tunay nga namang kay bilis lumipas ng panahon dahil ang mga idolo natin na bata noon ay mga bagets na ngayon. After ng Goin’ bulilit, nagkaroon ng showbiz break ng pansamantala, bumalik siya sa mundo ng showbiz taong 2013 sa "LUV U" kasama ang kanyang kapwa child star noon na sina Sharlene San Pedro, Alexa Ilacad and Jairus Aquino. 

Subalit matapos ang kanyang pagbabalik siya ay nakatanggap ng mainit na supporta galing sa mga fans. Si Nash ay tinawag na 

"Teen heartthrob”  at tinawag ring “Trending King” dahil sa kanyang mala Justin Bieber hair na mga picture post sa kanyang social media account noon.

Kasunod noon ay naging tuloy-tuloy parin ang kanyang karera sa Showbiz at nabigyan pa ito ng maraming pagkakataon upang patunayan ang kanya galing sa pag-arte.

New chapter of life: 

At ngayon hindi nalang isang Filipino actor,businessman/entrepreneur, real-estate investor si Nash kundi isa nasya ngayong politician. Matapos niyang manalo ng isang puwesto sa Cavite City sa pambansang halalan noong nakaraang Mayo bilang bahagi ng Unlad Cavite City party, opisyal ng sinimulan ng 23-anyos na aktor na si Nash Aguas ang kanyang tatlong taong termino bilang konsehal noong Hulyo 4, Lunes.

Sa panahon noong nakaraang halalan, nakakuha ang aktor ng 29,600 na boto galing sa taong bayan,  kaya siya ang pangalawang pinakabatang konsehal sa ating bansa. 

Ngunit bago paman pasukin ni Nash ang mundo ng politika siya ay mayroon ng naipundar na bahay sa Los Angeles, at laking tuwa sa mga ngiti ng aktor ng ipinakita niya sa isang Instagram post na hawak niya ang titulo ng kanyang bahay at ito ay may caption na "Finally this House is Officially and legally mine!! Thankyou Po!" 

Kabilang sa kanyang naipundar ang kanyang Restaurant na "Mura Men" na may halos 13 na branch sa Pilipinas, siya rin ay nagbukas ng inasal house sa pasig city at ito ay pinangalanan niyang 'Grillest'. 

Si Nash ay nasa maayos na kalagayan ngayon dahil bali balita rin na bumili ito ng ektaryang lote para sa ipapatayong niyang bahay sa kanyang future family at sa isang panayam balak rin umano nitong pakasalan si Mika de la Cruz at bumuo ng sariling pamilya. 

Kaya naman marami sa kapwa niyang artista ang talagang bumilib pagdating sa diskarte ng aktor dahil talaga ginamit niya ang kanyang mga naipon upang magpundar hindi lang sa tirahan kundi maging sa mundo ng pag-nenegosyo rin.

Si Nash ang isa sa patunay na daig ng madiskarteng tao ang taong matalino at siya rin ang patunay na kapag ikaw ay may sinuksok ikaw ay may madudukot. Naway marami tayong na inspire sa gulong ng buhay ni Nash Aguas.


No comments:

Post a Comment

Sponsor