Anak nina Richard Gomez at Lucy na si Juliana, Nasungkit Ang Gold Medal
Anak nina Richard Gomez at Lucy na si Juliana, Nasungkit Ang Gold Medal
Hindi lang isa kundi dalawang gintong medalya ang nasungkit ng unica hija nina Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana sa katatapos lang na international fencing competitions.
Hindi maikakaila na isa sa mga sinusundan ngayon ng marami na anak ng sikat na celebrity couple ay walang iba kundi si Juliana Gomez.
Unica Hija nina Richard at Lucy:
Tinaguriang power couple sa showbiz ang mga magulang ni Juliana na sina Richard at Lucy. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na sa ngayon ay hindi aktibo sa showbiz sina Richard at Lucy matapos nilang pasukin ang pulitika.
Sa ngayon, tumatayong kongresista ng Leyte si Richard habang si Lucy naman ay nakaupo bilang alkalde ng Ormoc City. Gayunpaman, sa kabila ng pagiging abala nila bilang mga public servant, hindi pa rin nawala ang spotlight sa kanilang mag-asawa. Sa katunayan, naipasa pa nila ito sa kanilang unica hija na si Juliana na ngayon ay gumagawa ng ingay sa mundo ng sports.
Kilalanin si Juliana Gomez:
Si Juliana ay ipinanganak noong September 8, 2000. Ngayon ay nasa 22 taong gulang na ito. Nag-aaral siya ngayon sa University of the Philippines Diliman kung saan siya kumukuha ng kursong Public Administration. At bagamat pribado ang kanyang buhay hindi tulad ng kanyang mga magulang, nasisilip pa rin ng marami ang ilang kaganapan sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
Pinasok ang Fencing:
Nalaman nga ng marami na hindi lang basta maganda si Juliana kundi talented din ito, lalo na sa larangan ng sports. Bata pa lamang kasi ay naimpluwensyahan na siya ng amang si Richard sa iba’t-ibang sports.
Unang naging sports ni Juliana ang volleyball bago siya nag-shift noong kasagsagan ng pandemya sa fencing na sports naman ni Richard.
Ipinaliwanag naman ni Juliana sa panayam sa kanya ng reporter na si Pia Arcangel kung bakit siya lumipat ng sports.
Aniya, “I started during the pandemic because that is the only sport that they were able to have given that it’s not contact sport, there’s not a lot of physical touching, so I kind of stuck with it during the pandemic up to now.”
Tila na-in love nga si Juliana sa sports ng kanyang Daddy Richard at pinasok niya rin ito. Kalaunan nga ay napamahal na siya sa fencing at gusto na niyang seryosohin ito. Ipinaalam niya ito sa kanyang ama at ina at talagang todo suporta ang mga ito sa kanya.
Bukod dito, kasama rin niya sa fencing team ang nobyo niyang si Miggy Bonnevie-Bautista na isa sa mga tumutulong sa kanya sa pag-eensayo. Madalas ay nagbabahagi sila ng mga litrato sa social media kuha mula sa kanilang training.
Nasungkit ang gintong medalya sa Fencing Competition:
At talaga namang kung ano ang puno ay siya rin ang bunga! Paano ba naman kasi tulad ni Richard, napakagaling din ni Juliana sa fencing.
Katunayan, nitong November lamang ay pinatunayan ni Juliana ang kanyang husay sa fencing nang masungkit niya ang gintong medalya sa Thailand Open Fencing Championship.
Kung si Juliana naman ang tatanungin, ang dahilan daw ng kanyang pagkapanalo ay dahil mayroon siyang tiwala sa kanyang sarili at talagang nag-eensayo siya araw-araw.
“Siguro dahil may tiwala ako sa skill ko dahil nagti-training naman ako araw-araw,” saad ni Juliana
Laking tulong din daw ng suporta na natatanggap niya mula sa kanyang magulang para manalo. Kahit nga na head pa ng Philippine Fencing Association ang ama, hindi daw siya nito pini-pressure.
Aniya, "He doesn't pressure me. I just got a tremendous amount of support from my parents.”
Proud Parents:
Tuwang-tuwa ngang ibinahagi ni Richard ang pagkapanalo ng kanyang nag-iisang anak. Talagang proud na proud niya itong ibinalita sa kanyang Instagram account.
Aniya, "Congratulations @gomezjuliana for winning the Thailand Open Fencing Championship today.
"May you keep on winning and bring more honor to the country," dagdag pa niya.
Samantala, naiuwi naman ni Juliana ang gintong medalya sa katatapos lang na West Java Fencing Challenge 2022 na ginanap sa Bogor, Indonesia.
At hindi lang ang kanyang mga magulang ang proud sa kanyang achievement kundi pati na rin ang buong bansa dahil sa tuwing nanalo siya, dala niya ang pangalan ng bansa.
Talagang nakakabilib ang mga achievement ni Juliana lalo pa’t dugo at pawis ang puhunan niya para makamit ang mga ito. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit proud na proud sa kanya ang kanyang mga magulang.
Congratulations, Juliana!
No comments:
Post a Comment