Robin Padilla at BB Gandanghari, muling nagkita at nagkasama
Robin Padilla at BB Gandanghari, muling nagkita at nagkasama
Ang Pasko ay panahon para magsama-sama ang buong pamilya. Ito ang okasyon na tila hindi kumpleto kung hindi natin kasama o wala ang ating pamilya o mahal sa buhay. Hindi bale na ngang walang handaan basta kumpleto lang ang buong pamilya.
Kaya naman talagang maligaya ang Pasko ngayong taon ng dating aktor na si BB Gandanghari dahil nakasama niya ang kanyang pamilya dito sa Pinas. Matagal-tagal niya rin kasing hindi nayakap at naka-bonding ang mga ito tulad na lamang ng kanyang bunsong kapatid na si Robin Padilla. Matapos nga ang ilang taong pagkakawalay, sa wakas ay muli silang nagkita at nagsama ni Robin.
Kilalanin si BB Gandanghari:
Kilala ng marami si BB Gandanghari bilang dating matinee idol at action star na si Rustom Padilla.
Ilan lamang sa mga pelikulang kinabibilangan niya ay “Mistah” noong 1994, “Narito ang Puso ko” noong 1992, at “Hindi Magbabago” noong 1992, at marami pang iba.
Matatandaang labis siyang sumikat noong dekada 90. Hindi lang kasi basta gwapo si BB noon, kundi may taglay din siyang galing at angas sa pag-arte na tila natural na sa kanilang magkakapatid.
Hindi nga lingid sa kaalaman ng marami na magkapatid sila ng binansagang 'bad boy' sa showbiz na ngayon ay isa nang senador na si Robin Padilla.
Paglaladlad ni Rustom sa kanyang tunay na kasarian:
Dahil nga sa pagiging astig o maangas ni Rustom sa mga pelikulang pinagbidahan niya, kaya naman halos hindi makapaniwala ang lahat nang siya ay mag-‘come out’ o magladlad sa publiko bilang miyembro ng LGBT community.
Kung ating babalikan, nasa Pinoy Big Brother (PBB) house noong March 2006 si Rustom nang aminin niya na siya ay isang gay o bakla. Matapos nga ng kanyang 44 na araw na pananatili sa Bahay ni Kuya ay nag-voluntary exit si Rustom. At sa paglabas niya doon na siya nagsimulang mamuhay o makilala bilang ‘BB Gandanghari’.
Hanggang taong 2016, isang magandang balita ang dumating na talaga namang nagpasaya kay BB. Kinilala kasi ng korte ng Amerika ang pagiging babae niya. Ayon sa papel na may titulong "petition for change of name and gender," nakasaad na mula sa Rustom Padilla ay magiging Binibining Gandanghari na siya. At ang kanyang kasarian ay babae. Aprubado ito ng Superior Court of California of the County of Orange.
Magmula nga nang maging opisyal ang kanyang pangalan, mas pinili na ni BB na manirahan na lamang sa Amerika. At ngayong taon lamang ay isa na siyang certified US o American Citizen.
Balik Pinas:
Matapos naman ang halos isang dekada, sa wakas ay balik-Pinas na si BB para ipagdiwang ang holiday season kasama ang kanyang pamilya.
Sobrang saya nga niyang ibinahagi sa social media ang mga larawan at video kuha mula sa kanyang pag-uwi sa bansa.
Samantala, sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni BB ang video ng pagba-bonding nila ng kapatid niyang si Sen. Robin Padilla. Una nang naka-bonding ni BB ang kanilang ina na si Mommy Eva noong nakaraang pasko.
Para naman kay BB, hindi mapapalitan ng pera o mamahaling regalo ang saya na nararamdaman niya sa muli nilang pagsasama ng kanyang pamilya.
Saad ni BB sa caption ng kanyang post, “#AlliWant: oh yeah… this is all I prayed for this homecoming. Precious time with family that no money or the biggest or most expensive gift can replace. Last night was the happiest time I can remember in a long while. We missed our other siblings but we surely enjoyed our night with you in our hearts.”
Dagdag pa niya, “I don’t think I can describe or even capture on cam how enjoyable the night was, @robinhoodpadilla, @roda_ariki Richie and I laughed and sang for #mama like we were kids again. I’ll post more so you’ll have a glimpse of our child-likeness once again. Stay tuned. #BBGandanghari #HappyHeart #HomeComing #HappyHolidays #BoodleFight #FamilyTime.”
Hindi maikakaila na marami ang natuwa sa pagbabalik ni BB sa bansa. Talagang kahit na ilang taon man ang lumipas, marami pa rin talaga ang nagmamahal sa nag-iisang BB Gandanghari ng Philippine showbiz.
No comments:
Post a Comment