10 Pinakadelikadong Tulay Sa Buong Mundo

10 Pinakadelikadong Tulay Sa Buong Mundo

10 Pinakadelikadong Tulay Sa Buong Mundo

Sampung pinakanakakatakot at pinakadelikadong tulay sa buong mundo, ano-ano nga ba ang mga ito? Iyan ang paksang tampok ngayon sa ating video!

Ang mga tulay ay isa lang sa mga kamangha-mangha at pinakamatalinong naimbento ng mga tao, lalo na ng mga sinaunang enhinyero ng mundo. Ito kasi ang nagsisilbing daan upang mas mabilis na makaraan ang mga tao sa mga lugar na mahirap daanan, ’tulad ng mga anyong katubigan na alam naman nating nakapalibot sa ating mundo.

Ngunit ang ’di alam ng iba ay mayroon palang mga nakatatakot na tulay sa mundo, at narito ang mga ’yon:

1. Hussaini Hanging Bridge ng Pakistan

Ito ay kadalasang itinuturing na siyang pinakamapanganib na tulay sa buong mundo. Ito ay nasa Gilgit-Baltistan area ng Pakistan, na nakabitin sa taas na 2,600 meters o katumbas ng isang daang talampakan at 194 meters o mahigit anim na raang talampakan ang haba.

Ang nasabing tulay ay itinayo sa pagitan ng mga taong 1966 at 1977 upang pagsilbihan ang mga nayon sa paligid ng lambak ng Hunza ngunit naging kalaunan, ito ay naging isang tourist attraction. Ito ay itinayo ng mga residente sa nayon gamit ang mga lubid at tabla na nakapaligid sa lugar matapos maanod sa baha ang dating tulay roon. Ang katatagan ng suspension bridge na ito ay kaduda-duda, at maraming espasyo sa sahig ng tulay, kaya hindi ito ligtas na lakaran habang tumatawid sa Hunza River.

2. Living Root Bridges Of Meghalaya, ng India

Ito ay isang natatanging uri ng tulay na nabuo sa pamamagitan ng paghubog ng puno. Ang mga ito ay ginawa mula sa aerial roots ng Indian rubber tree ng mga tribong Khasi at Jaintia, na naninirahan sa magkabilang panig ng ilog. Ang mga ugat ng mga punong ito ay nababalot sa isang balangkas ng mga tangkay ng kawayan o palm stems na gumagabay sa ilog, kung saan sila inilalagay. 

Ang mga buhay na ugat na tulay nito ay maaari pang lumaki nang higit sa 20 meters ang haba at hindi ligtas na lakarin dahil ito ay natural na madudulas. Ngunit ang mga ito sinasabing matatag at nagtatagal ng mahabang panahon, dahil sa natural na kakayahan ng mga puno na mag-regenerate.

3. Hanging Bridge of Ghala ng Nepal

Ang Ghasa Hanging Bridge ay isang mahabang suspension bridge sa bayan ng Ghasa, Nepal. Ang mahigit apat na raang talampakang taas at mahigit isang libong talampakang habang tulay na ito ay kadalasang ginagamit upang maghatid o magtawid ng mga hayop. 

Ginawa ang tulay na ito sa layuning mabawasan ang pagsisikip ng trapiko dulot ng mga hayop sa mga highway. Sa kabila ng hitsura nito bilang isang hindi ligtas na tulay, ito ay ginagamit pa rin ng mga pedestrian at magsasaka na nagpapastol ng kanilang mga hayop araw-araw.

Bagama’t ang pagtawid sa tulay na ito ay maaaring nakakatakot para sa ilan, ang panonood sa mga hayop na naglalakad sa umaalog na suspension bridge ay isang nakabibighaning karanasan naman para sa ibang nakasaksi na nito.

4. U Bein Bridge sa Myanmar

Ito ay isang footbridge na gawa sa kahoy na matatagpuan sa Taungthaman Lake.

Ang tulay, ay itinayo noong 1951, at ito ay mayroong mahigit isang libong teakwood pillars na umaabot sa lawa at itinuturing na pinakaluma at pinakamahabang tulay na teakwood sa mundo, ngunit sa ngayon ay pinangangambahan na ’di umano itong masira kung hindi maaagapan ang patuloy na pagkabulok ng ilang bahagi nito.

Ganoon pa man, sa kabila ng lumalalang kalagayan ng tulay na ito, nananatili pa rin itong isang kahanga-hangang tanawin kapag sa tuwing lulubog na ang araw sa likod nito na siyang nagbibigay malagintong liwanag sa lawa. Tunay itong kamangha-mangha!

5. Monkey Bridges naman ng bansang Vietnam

Isa itong natatanging uri ng tulay na matatagpuan sa Mekong Delta, Vietnam. Ang mga tulay na ito ay ginagamit sa paglalakbay sa pagitan ng mga nayon at ito rin ay gawa sa isang piraso ng kawayan na may isang rehas bilang pangsuporta. 

Tinatawag na monkey bridges ang mga ito, dahil karamihan sa mga tao ay kailangang yumuko at kumapit ng mahigpit na parang unggoy habang tumatawid sa nasabing tulay. Nakakatakot at mahirap tumawid sa mga tulay na ito, ngunit itinuturing din itong representasyon ng pagsisikap ng mga taong gumagawa at gumagamit nito.

6. Iya Valley Vine Bridges ng Japan

Ang mga ito ay ang mga nakamamanghang suspension bridge na nakabitin sa ibabaw ng Iya River sa Miyoshi, Tokushima, Japan. Sinasabing noon daw ay bumibilang sa labing tatlo ang nasabing mga tulay, ngunit sa panahon ngayon ay tatlo na lamang ang natitira sa mga ito. Ang Iya Kazurabashi, na may haba na 45 meters at taas na 14 meters sa itaas ng ilog, ang pinakamalaki at pinakatanyag sa natitirang tatlo.

Ito ay gawa sa kahoy at parang lubid na baging. Nakakabit ito sa matatayog na mga puno ng cedar at may mga bakal na kable na nakatago sa loob ng mga baging para ito ay mas maging matibay. Ang paglalakad sa mga tulay na ito ay magpapalakas ng adrenalin, kasabay ng pag-indayog mo sa istraktura habang hinahangaan ang mga tanawin sa iyong pagtawid.

7. Puente De Ojuela mula sa bansang Mexico

Isang suspension bridge sa Mapim, Durango, Mexico, na itinayo noong 1898. Ang 318 meters na tulay na ito ay naging tanyag na tourist attraction mula noong 1991 nang magsimulang sumali ang mga bisita sa mga paglilibot sa Ojuela ghost town.

Karamihan sa mga ito ay gawa sa kahoy at tumataas nang 109 meters sa ibabaw ng sahig ng canyon. Dahil gumagalaw at lumalangitngot ito kapag mayroong tumatawid, itinuturing ito bilang isa sa mga pinakadelikadong tulay sa mundo.

8. Musou Tsuribashi Bridge mula ulit sa bansang Japan

Isang suspension bridge na matatagpuan sa southern Japanese Alps. Ang tulay, na itinayo noong 1950s, ay kinikilala bilang ang pinaka-mapanganib na suspension bridge ng Japan. Ito ay humahaba ng 144 meters na gawa sa wire at manipis na tabla.

Ito ay may taas na 83 meters, at napakahirap puntahan nito dahil ang tanging daan lamang ay sa pamamagitan ng pag-akyat sa matarik na bundok. Dahil hindi ito na-maintain sa paglipas ng mga taon, maraming mga tabla na gawa sa kahoy ang nabulok, kaya ang pagtawid sa tulay na ito sa lumalalang kalagayan nito ay magiging lubhang mapanganib kaya naman pinapayuhan ang lahat sa pamamagitan ng mga karatula bilang babala, na huwag nang subuka pa itong tawirin.

9. Eshima Ohashi Bridge

Na kilala rin sa tawag na “Rollercoaster Bridge” ay isa sa mga pinakakakaibang tulay sa mundo. Matatagpuan ito sa Yatsukacho-Eshima. Ito ang pinakamalaking rigid-frame bridge ng Japan at ang ikatlong pinakamalaking rigid-frame bridge sa mundo. Humahaba ito ng halos 1700 miters at nakatayo sa taas na 44.7 meters na nagdudugtong sa mga lungsod ng Matsue at Sakaiminato.

10. Ang Quepos Bridge 

Karaniwang kilala rin sa tawag na “The Bridge of Death”. Nasa gitnang baybayin ito mg Pasipiko ng Costa Rica, sa kalsada mula Jaco hanggang Quepos.

Ito ay itinayo sa pagitan ng 1930 at 1940. Sinasabing lubusng makitid daw ang tulay na ito dahil dati itong tulay ng riles na ginamit upang maghatid ng mga kalakal sa daungan ng Quepos. Ang landmark na ito sa Costa Rica ay isa sa mga pinakamapanganib na tulay sa mundo dahil mukhang maaari itong gumuho anumang oras. 

Maririnig mo ang pag-ingit ng maluluwag na bahagi ng daanang ito habang umuuga ang tulay sa bigat ng lahat ng sasakyang dumaraan dito, ngunit kataka-takang ang mga lokal ay walang pakialam sa estado ng tulay at regular na nagmamaneho pa rin sila ng mga trucl at mabibigat na sasakyan sa kabila nito. Isang bagay na talaga namang lubhang mapanganib at nakatatakot.

Kung ikaw ang tatanungin, gugustuhin mo bang dumaan sa mga nabanggit na tulay na ito at bakit? Tara na’t pag-usapan natin ’yan sa comment section!


No comments:

Post a Comment

Sponsor