Lovely Abella, Hindi Sinipot Ng Kanyang Buyer Sa Singapore

Lovely Abella, Hindi Sinipot Ng Kanyang Buyer Sa Singapore

Lovely Abella, Hindi Sinipot Ng Kanyang Buyer Sa Singapore

Ibinahagi ng Kapuso aktres na si Lovely Abella-Manalo ang kanyang karanasan sa pagiging online-seller. 

Hindi madali ang trabahong ito at kailangan mo talagang magsikap para makamit ang tagumpay ng iyong negosyo. 

Sa kanyang Tiktok account, ibinahagi ni Lovely at ng kanyang mister na si Benj Manalo (anak ni Jose Manalo) ang kanilang pagbebenta ng kanilang produkto sa Singapore. 

Ayon sa caption ay wala daw nagpakita at walang bumili sa inorder ng kanilang customer. Dagdag pa ng aktres ay ready na ang mga orders ng kanilang mga kliyente at plano sana nilang magkita sa Bugis Junction sa Singapore pero sa kasamaang-palad ay walang customer na nagpakita para pick-upan ang kanilang orders.

Aniya, "Nandito po kami sa Bugis Junction at 8:52 PM na po kasalukuyan at alam naman po ng ating mga kapwa Pinoy na darating po ako ng 7 PM pero nag-Tiktok po ako ng 8 PM na po ako darating pero until now, wala po sila."

Ipinakita ni Lovely ang mga binebenta niyang kape na naka-packed na sa kanilang bagahe at bibigyan din sana niya ng freebies ang mga ito pero hindi daw sila sumipot.

"Pero ganun po talaga. Nangyari po talaga yan sa atin. Kaya bilang mga live seller, online seller, huwag po kayong mawalan ng pag-asa."

Ganunpaman, kahit na hindi sumipot ang bibili sana niya ng kanyang paninda ay naging positibo naman si Lovely at mas minabuti niyang wag na lamang madismaya. 

Kahit pa-uwi na sana sila at nagcheck-in na sa airpoty ay may humabol naman na customer para bilhin ang mga natirang paninda ni Lovely.

"Wala man pong magpakita at marami mang mangjo-joy sa inyo, no problem. Ang importante eh naging professional kayo at sumunod kayo sa usapan," dagdag pa ng aktres.

Kumento ng mga netizens sa video:

"Well, hindi lahat ng tao ay magaadjust sa time mo. Wag natin dalin sa ibang bansa ang ugaling filipino time natin."

"Totoo naman na bigla siyang nagchange ng time na 8 instead of 7. Dumating siya 8 hindi mag 9 base sa comment mo. Nag hintay lang siya till 9. But then, yung short notice na change of time ang nakaapekto kaya siguro walang nagpunta."

"You are too late that’s why. Time is gold po in abroad. Whether you are earlier or be on time.

Wag mo gamitin ang filipino time sa ibang bansa."

"It's also the seller's fault kc baka last minute ang changes, kahit nag tiktok ka pa on the same day, syempre naka plan ahead na iyong mga buyers.. ikaw ang nag change ng time.. commitment is very important po lalo na sa ibang bansa na kung saan lahat ng kababayan ay busy sa kani-kanilang mga work."

"Siguro hindi nila nakita yun last minute changes mo hindi naman lahat ng tao nakatutok sa tiktok and also take into account that while you have last minute errands to do causing you to chance the time your customers might have tight schedule as well. Like if the original time set is 7pm then suddenly changed to 8pm baka meron din silang prior commitment. So ang hindi nila pagsipot eh dahil joy miners sila, baka conflict na din sa bagong schedule. If you come on time, maybe you’re posting a totally different story right now."

"Your story says no one showed up for their orders, I think you should chance it to I made last minute changes and no one is available. Be fair to your customers."


No comments:

Post a Comment

Sponsor