10 Pinakamahigpit Na Batas Sa North Korea Na Bawal Labagin

10 Pinakamahigpit Na Batas Sa North Korea Na Bawal Labagin

10 Pinakamahigpit Na Batas Sa North Korea Na Bawal Labagin

Freedom o kalayaan. Iyan ang isa sa pinakamagandang pribilehiyong tinatamasa ng karamihan sa ating mga tao sa panahon ngayon. Ngunit paano kung mabuhay ka sa isang lugar na maraming ipinagbabawal na gawin? 

Isang lugar na ’tulad ng North Korea na may unitary one-party socialist republic sa ilalim ng isang totalitarian hereditary dictatorship kung saan maraming mga istriktong patakarang mahigpit na ipinatutupad ng kanilang gobiyerno.

Kaya naman ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa ilan sa mga pinakaistriktong patakarang hindi dapat labagin ng mga taga-North Korea! Dahil d’yan ay simulan na natin ang videong ito!

#1: MGA PALABAS AT AWITIN MULA SA IBANG BANSA

Ipinagbabawal para sa mga North Koreans ang panonood at pakikinig ng mga banyagang palabas, pelikula o kanta at ito ay maaaring magdala sa bilangguan. Noong 2015, iniutos ng diktador ng North Korea na si Kim Jong-un na sirain ang lahat ng mga cassette tape at CD na may mga kantang ipinagbabawal ng estado. 

Ang panonood ng mga pelikulang Amerikano o pamamahagi ng pornograpiya ay maaari ding humantong upang sila ay lagutan ng hininga. Mayroon lamang tatlong TV chammel sa North Korea, at lahat ng content ng mga ito ay kontrolado ng gobyerno.

#2: BAWAL ANG INTERNATIONAL CALLS

Ang mga mamamayan ng North Korea ay hindi maaaring gumawa ng international calls dahil ito ay itinuturing na isang krimen sa bansa. Naka-block ang mga internasyonal na tawag para sa mga North Korean gamit ang sikat na domestic mobile phone service ng bansa, na mayroong higit sa tatlong milyong subscribers. 

Ang pag-access sa World Wide Web ay limitado sa mga dayuhan at ilang piling mamamayan lamang. Maaaring ma-access ng ilang North Korean ang isang closed-off na computer network, na nagbibigay ng koneksyon lamang sa mga domestic website at email. Ito ay upang mapanatili ang ganap at sistematikong kontrol ng gobiyerno sa kanilang nasasakupan.

#3: TANGING GOVERNMENT-APPROVED HAIRCUTS LAMANG ANG MAAARI NILANG PAGPILIAN

Lahat ng lalaki at babae ay maaari lamang mamili ng isa sa dalawampu’t walong government-approved haircuts. Labingwalo para sa mga babae, at sampu naman para sa mga lalaki. 

Ipinakilala ng pinuno ng North Korea na si Kim Jong Un ang batas na ito noong taong 2013 at hindi isinama ang kanyang hairstyle sa listahang ito dahil gusto niyang panatilihin itong kakaiba at talagang walang sinuman ang maaaring mangahas na kopyahin ang kanyang hairstyle. Ipinapalagay na ang mga babaeng may asawa ay dapat magsuot ng mas maikling gupit kaysa sa mga babaeng walang asawa.

#4: IPINAGBABAWAL ANG PAGDADALA, PAGBABASA O PAMIMIGAY NG HOLY BIBLE

Sa North Korea, ang Bibliya ay itinuturing na isang simbolo ng Western Culture, kaya naman ito ay mahigpit na ipinagbabawal dahil ito ay makapagpapabago ng kaisipan ng mga tao. Sa katunayan, mayroong isang babaeng Kristiyano na namamahagi ng Bibliya ang inaresto at nilagutan ng hininga dahil dito. 

Noong 2014, si Jeffrey Fowle—isang American citizen na naglilibot sa North Korea, ay inaresto at ikinulong ng limang buwan dahil nakalimutan niya ang Bibliya sa banyo ng isang restaurant sa Chongjin Sailor’s Club. 

Dapat isagawa ng mga Kristiyano sa Hilagang Korea ang kanilang pananampalataya nang lihim. Hindi sila maaaring magtipon upang sumamba o magsabi sa iba tungkol kay Jesus. Kung mahuhuli sila na may dalang Bibliya, kumakanta ng isang himno, o nagdarasal, maaari silang harapin ng hanggang 15 taon sa isang labor camp.

#5: BAWAL ANG IPHONES O LAPTOP

Walang mga iPhone, TV o laptop mula sa mga nabanggit na brand para sa mga North Korean! Napakakaunting alam ng mga tao sa bansang ito tungkol sa electronics at teknolohiya, dahil maraming itinatago ang patakaran sa paghihiwalay ng gobyerno. 

Available ang internet access sa North Korea, ngunit iyon lamang may espesyal na pahintulot maaaring gumamit nito. Pangunahing ginagamit ito para sa mga layunin ng pamahalaan, at gayundin ng mga dayuhan. 

Ang bansa ay may ilang imprastraktura ng broadband, kabilang ang fiber optic na mga link sa pagitan ng mga pangunahing institusyon. Ang mga online services para sa karamihan ng mga indibidwal at institusyon ay ibinibigay sa pamamagitan ng isang libreng domestic-only network na kilala bilang Kwangmyong, na may access sa pandaigdigang Internet na limitado sa isang mas maliit na grupo.

#6: “PRISON CAMPS” SA NORTH KOREA

Pinaniniwalaang humigit-kumulang 200,000 North Koreans ang nakatira sa mga kampo. Inaresto sila dahil sa umano’y mga pulitikal na krimen. Kung ang isang tao ay gumawa ng isang pulitikal na krimen, ang kanyang buong pamilya ay kasama niyang makukulong doon. 

Kung ang isang bilanggo naman ay tumakas, ang kanyang buong pamilya ay lalagutan ng hininga. 40% ng mga bilanggo na nakakulong sa mga kampong piitan na ito ay binabawian ng buhay dahil sa malnutrisyon. Marami sa kanila ay sinentensiyahan ng mahirap na gawain at nagtatrabaho hanggang sa katapusan ng kanilang buhay.

#7: IPINAGBABAWAL ANG PAGPAPAKITA NG “DISLOYALTY” SA GOBIYERNO AT SA KANILANG LEADER

Lahat ng North Koreans na naninirahan sa ilalim ng pamumuno ni Kim Jong-un ay dapat manumpa ng katapatan at pagsunod sa kanya, sa kanyang pamilya at sa estado. 

Anumang bagay na maaaring isipin bilang isang insulto sa pamilya ng kanilang leader at ng pamahalaan ng North Korea ay itinuturing na kalapastanganan at mayroong kalakip na mabigat na kaparusahan. Ang patakarang ito ay nalalapat sa mga imigrants man, mga taga-North Korea, pati na rin sa mga turista. Anumang bagay na maaaring ituring na isang pagbabanta o insulto ay hahantong sa pagkakulong o bitay.

#8: IPINAGBABAWAL ANG PAG-ALIS NG BANSA

Ang sinumang mamamayan ng North Korea ay ipinagbabawal na umalis sa bansa, at sinumang tumawid sa hangganan nang walang opisyal na mga dokumento ay babarilin ng mga guwardiya. Ito ang pinakamatinding parusa ay umiiral para sa mga sumusubok na tumakas o magtago mula sa totalitarian rule ng kanilang pinuno. Ang batas ng North Korea ay nagsasaad na ang pag-alis sa bansa nang walang pahintulot ay isang krimen at “pagtataksil laban sa bansa,” na may parusang kamatayan.

#9: ANG MILITARY SERVICE O CONSCRIPTION AY “COMPULSORY” SA MGA MAMAMAYAN

Nangyayari ang conscription sa North Korea sa kabila ng pagiging malabo ng legal na katayuan nito. Ang mga lalaki ay universally constripted habang ang mga babae ay sumasailalim sa selective conscription. Nagaganap ang conscription sa edad na labing apat. Ang serbisyo ay magsisimula sa edad na labingpito at magtatapos sa edad na tatlumpu. 

Unang nagsimula ang conscription bago ang Korean War. Noong una, sa ilalim ng pamumuno ni Kim Il-sung, ang sapilitang conscription ay hindi na kailangan dahil ang antas ng boluntaryong pagpapalista ay mataas dahil sa mga financial rewards na kalakip nito. Ngunit ilalim ng Kim Jong-il at Kim Jong-un ang mga gantimpalang ito ay nabawasan.

#10: IPINAGBABAWAL ANG PAGSUSUOT NG JEANS

Ipinagbawal ng North Korea ang mga piercing, skinny jeans, at ibang hairstyles, kabilang ang mullets, mula noong nakaraang Mayo, sa layuning panatilihing malaya ang bansa mula sa “decadent” na uso sa Western Fashion. Ito ay matapos ilarawan ng pinuno ng bansa na si Kim Jong Un ang pananalita, hairstyle, at pananamit sa ibang bansa bilang “dangerois poisons”. 

Kung ang isang mamamayan ay mahuling nilabag ang batas na ito, dapat silang maghintay sa gilid ng kalsada hanggang sa matapos ang mga patrol na inspeksyonin sa lugar. Pagkatapos, dadalhin sila ng mga awtoridad sa opisina ng Youth League, kung saan dapat nilang “aminin” ang kanilang mga krimen sa nakasulat na mga liham. Ang mga nagkasala ay pinapalaya lamang pagkatapos na may magdala sa kanila ng “katanggap-tanggap” na kasuotan.

Ikaw, makakayanan mo kayang sundin ang mga nabanggit na patakaran? Ilapag na ang iyong saloobin sa comment section at huwag kalimutang mag-like, share at subscribe sa ating channel upang maging updated ka sa susunod pa nating mga video! Hanggang sa muli!


No comments:

Post a Comment

Sponsor