Top 10 Rarest Birds In The World

Top 10 Rarest Birds In The World

Top 10 Rarest Birds In The World

Ang mga ibon ay isa sa itinuturing na pinakamagandang nilalang sa ating mundo, ngunit isa rin sila sa pinakaapektado ng lahat ng mali at masamang trato ng mga tao sa kalikasan. Tuloy, dahil doon, ang ilan sa kanila ay bibihira nang makita habang ang iba naman ay nanganganib nang maubos.

Kaya naman sa videong ito ay tatalakayin natin ang sampung itinuturing na sampung pinakabihirang ibon sa mundo ngayon!

1. Ang Kakapo

Kakapo

Ito ay isang nocturnal species na kilala rin sa bansag na “Owl Parrot” dahil sa facial disc nitong may mala-kuwagong balbas. Ang New Zealand endemic bird na ito ay may malaki at matipunong wangis. Itinuturing din itong siyang pinakamabigat na uri ng parrot kaya naman ito ay hindi nakakalipad.

Kumakain sila ng mga buto, halaman at iba’t ibang prutas mula sa lupa. Sa kasamaang palad, ang ibong ito ay nalalapit nang maubos, buhat nang magsimulang tumira ang tao sa mga isla ng New Zealand. Pagsapit ng dekada ng 1990, limampu na lang ang natitira sa kanilang lahi, at naubos na rin sila sa mga kagubatan.

2. Philippine Eagle

Philippine Eagle

Ito ay isa sa pinakamalaki at pinakamakapangyarihang ibong mandaragit sa buong mundo at ito ay matatagpuan lamang sa Pilipinas. Dahil sa makapal na bronze mane at mapagmataas na kulay puting dibdib, ang ibong ito ay talaga namang kamangha-mangha kung iyong pagmamasdan. 

Kilala rin ito bilang monkey-eating eagle o great Philippine eagle, ngunit sa ngayon ay itinuturing na rin bilang isang critically endangered species ng agila kaya naman ito ay kabilang na sa listahan ng rarest birds of the planet.

3. The Golden Pheasant

The Golden Pheasant

Ito ay karaniwang matatagpuan sa western forests ng bansang China. Kilala rin ito sa tawah na Chinese Pheasant o Rainbow Pheasant dahil sa kakaiba at makulay nitong mga balahibo. May kakayahang lumipad ang mga ibong ito, ngunit hindi sila masyadong magaling sa larangang ito, kaya naman madalas silang manatiling nakadapo maliban na lang kung kailangan nilang bumalik sa kanilang kinaroroonan. 

Hindi ka malilito sa uri ng ibong ito, mayroon kasi itong taluktok at puwitan na tila gawa sa tinunaw na ginto, isang makinang na pulang katawan, at isang malakapang animo may guhit na tigre. 

Ang mga lalaking Golden Pheasants ay higit na matingkad ang kulay habang ang mga babae naman ay halos hindi na mukhang kabilang sa parehong species, dahil sa mas malamlam na kulay nito. Mas maliit din ang mga babae kaysa sa lalaki at ang kanilang buntot ay mas maiksi.

4. Blue-Eyed Ground Dove

Blue-Eyed Ground Dove

Ito ay matatagpuan lamang sa rehiyon ng Cerrado sa bansang Brazil. Higit sa anim na pulgada ang haba, ang lalaki ay may kulay magentang ulo, leeg, dibdib at pakpak na mga pabalat at mas kayumanggi ang paligid ng likod ng katawan nito, habang ang ilalim naman ng pakpak ay puti. 

Matutukoy ang pagkakakilanlan nito sa pamamagitan ng sapphire blue eyes nito, na tumutugma sa mga asul na spot sa mga pakpak na siyang pinagmulan din ng kaniyang pangalan. ’Tulad ng maraming makukulay na ibon, ang babae ay mas maputla o malamlam ang kulay. Sa kasamaang palad, ang napakagandang ibong ito ay itinuturing na pinakabihira at siyang pinaka-endangered na species ng mga Dove sa buong mundo.

5. South Philipine Dwarf-Kingfisher

South Philipine Dwarf-Kingfisher

Ang maliit na Kingfisher na ito na may pula, kahel, puti, at lilac na balahibo ay unang nakunan lamang noong 2020, sa unang pagkakataon, pagkatapos ng 130 years! Ang mga ito ay matatagpuan sa pamamagitan ng tahimik o mabagal na pag-agos ng tubig tulad ng mga lawa, kanal at ilog sa mababang lugar. 

May tatlong subspecies ang uring ito ng ibon, at lahat ng mga ito ay matatagpuan lamang sa Pilipinas. Mas gusto ng ibon ang maulang tirahan sa kagubatan at sila ay nanganganib na dahil sa clear-cutting.

6. Madagascan Pochard

Ito ay isang napakabihirang diving duck, na gumawa ng isang mahusay na pagbabalik sa huling ilang taon dahil sa matagumpay na pagsisikap at pag-iingat sa kanila. Ito ay matagal nang itinuturing na extinct bago ang muling pagtuklas nito noong taong 2006. 

Pagkatapos ng mga taon ng pagsasaliksik at isang matagumpay na programa sa pagpaparami sa mga ito, isang set ng mga young adult na Pochards ang inilabas sa Lake Sofia sa Madagascar, at pagkaraan ng halos isang taon ay nakita na ang mga duckling, bagama’t wala pang isang dosena ang bilang ng mga ito, ito ay itinuturing nang isang magandang balita.

7. New Zealand Rock Wren

New Zealand Rock Wren

Ito naman ay isang maliit na kulay berde o dilaw na ibong endemic sa South Island ng New Zealand. Ang rock wren ay tila malapit nang hindi makalipad dahil ang buntot nito ay matigas, at ang mga pakpak nito ay bilog at halos hindi makaalis ang ibon sa lupa. Sa halip, mas gusto ng rock wren na tumakbo at lumundag. 

Ang mga babae ay medyo mas kayumanggi at mas mabigat kaysa sa mga lalaki. Ang mga ito ay may mahahaba at matipunong mga binti, kaya naman sila ay mahusay umakyat sa mga bato. Maaari silang mabuhay sa matataas na lugar, na may niyebe sa buong taon, hanggang sa taas na isanlibong talampakan. 

Ang mga rock wren ay pangunahing kumakain ng mga invertebrate mula sa lupa, pati na rin ang mga berry, buto at nektar mula sa mga bulaklak ng flax.

8. Honduran Emerald

Honduran Emerald

Ito ay isang Vulnerable species ng hummingbird sa tribong “emeralds”, Trochilini, ng subfamily na Trochilinae. Ang mga ito ay maliliit at may napakalimitadong hanay sa mga tuyong lambak ng Honduras. 

Berde ang itaas na bahagi ng katawan na may mapuputing tiyan. Ang lalamunan ay kumikinang na asul, ang bill ay madilim sa itaas at maliwanag na pula sa ibaba na may madilim na dulo. Natagpuan sa madulas na tirahan, kabilang ang tuyong tinik na kagubatan at mga gilid ng bukas na pine forests.

9. Stresemann’s Bristlefront

Stresemann’s Bristlefront

Ang Stresemann’s Bristlefront ay isa sa mga pinakapambihirang ibon sa mundo—napakabihirang na isa na lang ang natitira. Ang Stresemann’s Bristlefront ay isang hindi pangkaraniwang species. Ang may mahahabang buntot na burrow nester na ito ay mula sa pamilyang Rhinocryptidae.

Nakuha ang kanilang pangalan mula sa mga balahibo ng kanilang mga ulo. Ang mga ito ay halos walong pulgada ang haba. Ang lalaki ay kulay charcoal gray at ang babae ay isang mamula-mulang kayumangging kanela.

10. Imperial Amazon

Imperial Amazon

Ang Imperial Amazon ng Dominican Republic, na lokal na kilala bilang sisserou, ay endemic sa isla ng Caribbean at isang critically endangered species na, ngunit ito rin ang pambansang ibon ng nasabing bansa. Ang mga ito ay kadalasang namamataang mag-isa, may kapareha o sa maliliit na grupo ng hanggang sampung ibon. 

Mas gusto nilang umupo sa tuktok ng matataas na puno. Dahil sila ay karaniwang tahimik na nagpapahinga o kumakain sa mataas na canopy ng kagubatan, sila ay napakahirap na makita, lalo na’t sila ay mahusay na natatakpan ng kanilang mga balahibo. 

Ang mga parrot na ito ay may posibilidad na maging mahiyain at maingat. Ang mga ito ay maliksi kung umaakyat at malalakas kung lumipad, dahil malalakas din ang kanilang mga wing beats na paminsan-minsan ay may kasamang gliding phase. 

Namumugad sila sa mga cavity ng puno at kumakain ng iba’t ibang prutas at buto. Ang lorong ito ay bihirang makita sa mga mataong lugar, at higit sa lahat ay matatagpuan sa mauulang kagubatan sa matataas na lugar.

At ’yan ang sampu sa mga pinakabihirang ibon sa mundo! Ano ang masasabi mo sa paksang tampok ngayon? Pag-usapan naman natin ’yan sa comment section!


No comments:

Post a Comment

Sponsor