Erik Santos, sinagot ang isyu sa kanila ni Rufa Mae Quinto

Erik Santos, sinagot ang isyu sa kanila ni Rufa Mae Quinto

Erik Santos, sinagot ang isyu sa kanila ni Rufa Mae Quinto

Si Erik Santos ay isa sa mga pinakasikat na mang-aawit sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang magandang boses at interpretasyon ng mga awitin. Isa rin siyang mainstay sa ASAP na mapapanood tuwing linggo sa ABS-CBN/TV5.

Nakilala siya ng sumali sa isang singing contest na "Star In A Million" noong taong 2003 kung saan siya ang naging grand champion sa patimpalak. Ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na ipakita ang kanyang boses at talento sa publiko.

Matapos ang kanyang pagkapanalo sa nasabing kumpetisyon, naglabas siya ng kanyang debut album na pinamagatang "This is the Moment". Naglalaman ito ng mga sikat na kanta tulad ng "Pagbigyang Muli", "Kulang Ako Kung Wala Ka", at marami pang iba.

Hindi lang siya basta isang magaling na mang-aawit, kundi isang composer din. Ilan sa mga kanta na kanyang isinulat ay "Kung Akin Ang Mundo", "I'll Never Go", at "Pagbigyan Ang Puso".

Alam naman natin na isa sa mga binabatong intriga kay Erik ay ang kanyang pagkalalaki dahil sa kanyang galaw, kilos at pananalita pero sa isang panayam sa kanya ni Ogie Diaz, sinagot niya ang mga isyung ibinabato sa kanya at inamin din nito ang naging relasyon nila ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto. Nagkakilala sila ng maging guest siya sa concert ng komedyana at doon na nagsimula ang kanilang pagmamabutihan.

Inamin ni Erik nag nagkaroon muli siya ng karelasyon matapos silang maghiwalay ni Rufa pero mas minabuti na niyang hindi isapubliko ito dahil ayaw na niya ng intriga lalo na't na-trauma na daw ito matapos ang relasyon nila noon ni Rufa. 

Aniya, "Kasi parang lahat kinuwestyon, eh. Kinuwestyon yung relationship namin. Lahat ng mga balita tungkol sa gender ko, lahat binabato sa akin. Lahat ng masasamang publicity na na-experience namin that time."

Isa pa sa mga na-link sa kanya ay ang kapwa niya singer na si Angeline Quinto pero hindi rin sila nagkatuluyan dahil hanggang magkaibigan lamang daw sila.

Isa pang naging tanong sa kanyang ay ang pagkakaroon niya ng sarili niyang pamilya. Naisip din daw ni Erik na magkaanak pero masyado siyang naging focus sa pag-aalalaga sa kanyang pamilya. 

Simula kasi ng tumigil ang kanyang ama sa pagta-trabaho sa ibang bansa ay siya na ang naging breadwinner sa kanilang pamilya. Ang mga kasabayan niya ay halos kasal na at may mga anak na tulad nina Sarah Geronimo, Christian Bautista at Rachelle Ann Go.


No comments:

Post a Comment

Sponsor