Agot Isidro reacts to Jovie Espenido’s special award: “Reward those who…never mind”

Hindi ikinatuwa ni Agot Isidro ang parangal na ibinigay ng Philippine National Police na “Outstanding Performance in Anti-illegal Drug Operations” award kay Ozamiz City Police Chief Inspector Jovie Espenido dahil sa pamumuno nito sa madugong raid sa pamilya Parojinog sa Ozamiz City. 
Ikinadismaya ni Agot Isidro ang pagbibigay ng “Outstanding Performance in Anti-illegal Drug Operations” kay Ozamiz City Police Chief Inspector Jovie Espenido.

Ang parangal ay mula sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Sa tweet ng singer-actress nitong Lunes, August 7, tila hindi aprubado kay Agot ang parangal na iginawad kay Espenido.



Si Espenido ang namuno sa madugong raid sa mga bahay ng pamilya Parojinog noong Linggo ng madaling-araw, Hulyo 30.

Labing-anim na katao ang nasawi rito; kabilang si Mayor Reynaldo Parojinog Sr., ang asawa nitong si Susan, at mga kapatid na sina Octavio Jr. at Mona.

Makahulugang sabi ni Agot sa kanyang tweet, “Reward those who…….. never mind.”

Kalakip sa kanyang post ang balita ng GMA News tungkol sa nakatakdang pagbibigay ng award kay Espenido.

Nakakulong ngayon sa Camp Crame ang mga anak ng napaslang na mayor na sina Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez at Reynaldo ‘Dodo’ Parojinog Jr.

Samantala, naigawad na ni President Rodrigo Duterte ang award ni Espenido sa ika-116 anniversary ng PNP sa Camp Crame ngayong Miyerkules ng hapon, August 9.

No comments:

Post a Comment

Sponsor