Top 10 Richest Royal Families In The World
Top 10 Richest Royal Families In The World
Ang pagiging “mayaman” ay maituturing nang isang napakagandang pribilehiyong maaaring matamasa ng isang tao…ngunit ang pagiging ‘mayaman’ dahil kabilang ka sa isang ‘maharlikang angkan’ ay talaga namang isang panaginip na maituturing!
At tungkol diyan ang paksang tampok ngayon! Kaya’t ano pa ang hinihintay natin? Tara na’t pag-usapan ang sampung pinakamayamang royal families sa buong mundo!
1: The Royal Family of Saudi Arabia.
Itinuturing na siyang pinakamayamang royal family sa buong mundo sa panahong ito, ang royal family ng Saudi Arabia, na tinatawag na House of Saud. Sila ang maharlikang pamilyang namamahala sa Saudi Arabia, na ang pangalan ay kinuha mula sa pangalan ng pamilya, simula pa noong 1744.
Ang pamilya ay pinamumunuan ng kasalukuyang hari ng Saudi Arabia, si King Salman Alsaud na sinasabing siyang pinakamayamang miyembro ng nasabing pamilya. Mayroon silang naitalang $1.4 trillion net worth na siyang pinakamataas sa lahat ng maharlikang angkan sa mundo.
2: The Royal Family of Kuwait.
Pumapangalawa naman sa rango ay ang royal family naman ng bansang Kuwait—ang Al Sabah Family na pinamumunuan ni Sheikh Sabah IV Ahmad Al-Jaber Al-Sabah, ang kasalukuyang emir o pinuno ng nasabing bansa.
Ang Al Sabah Dynasty ay namamahala na sa Kuwait simula pa noong 1752. Itinatalang $360 Billion ang kanilang net worth. Karamihan sa kita ng pamilya ay nagmumula sa mga oil reserves at sa matalinong pamumuhunan nila sa mga stock ng U.S. na ang halaga ay patuloy na tumataas.
3: The Royal Family of Qatar.
Rumaranggo bilang ika’tlo sa pinakamayamang maharlikang angkan sa mundo, ay ang royal family ng bansang Qatar—ang House of Al Thani. Sa pamumuno ni Emir Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani, kilala ang Qatar bilang isa sa pinakamayayamang living dynasty sa mundo. Mayroon silang net worth $335 Billion mula sa kanilang napakaraming cash flow bukod pa sa ibang mga yaman, kabilang na ang mga pamumuhunan sa mga ari-arian ’tulad ng London’s Shard skyscraper, Olympic Village, Harrods department store at New York’s Empire State Building, pati na rin ang mga stake sa Barclays Bank, British Airways at kumpanya ng sasakyan na Volkswagen.
4: The Royal Family of Abu Dhabi.
Ang Al Nahyan Dynasty, ang pinakamayamang royal family ng Abu Dhabi. Sila ang nakapuwesto sa ikaapat na ranggo ng pinakamayamang maharlikang angkan sa mundo. Ang pamilyang ito ay pinamumunuan ni Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan, na siyang emir ng Abu Dhabi at presidente ng United Arab Emirates mula noong 2004.
Ang Sheikh din ang namumuno sa Abu Dhabi Investment Authority na kumokontrol sa mga asset na nagkakahalaga ng higit sa $696 Billion. Ang net worth ng pamilyang ito ay tinatayang $150 billion, na ang malaking bahagi ay nagmumula sa langis.
5: The British Royal Family.
Ang maharlikang pamilya ng Britanya, na pinamumunuan ng ngayon ay kaaakyat lamang sa puwesto si King Charles III, matapos ang pagkawala ni Queen Elizabeth II nito lamang nagdaang Setiyembre. Sila naman ang nakapuwesto sa panglimang ranggo ng pinakayamang royal family sa buong mundo.
Ganoon pa man, bagama’t hindi sila ang nangungunang pamilya sa nasabing ranking, ay sila naman yata ang maituturing na pinakamaimpluwensiya sa lahat. Mayroon silang net worth na $88 billion, na ang karamihan ay nagmula sa sovereign grant na ginawa mula sa crown estate at ilang real estate investments.
6: The Royal Family of Thailand.
Ikaanim sa puwesto ng pinakamayamang royal family sa mundo, ay ang Chakri Dynasty, the royal family of Thailand. Ang pamilyang ito ay inuokupa ang royal stool mula pa noong 1782 kasama ang kasalukuyang haring si Maha Vajiralongkorn na umakyat sa trono noong 2016, matapos sumakabilang buhay ang kanyang amang si King Bhumibol Adulyadej.
Sila ay sinasabing mayroong net worth na tinatayang nasa pagitan ng 30 to 60 Billion U.S. Dollars. Ayon kay MacGregor Marshall, ang yaman ’di umano ng Chakri Dynasty ay hindi nagmula sa isang minanang yaman mula sa kanilang mga ninuno.
Karamihan daw sa mga ito ay nagmula sa mga ari-ariang naipon noong 20th century, na ang mas malaking bilang aay nagmumula sa mga pag-aari ng lupa at mga real estate.
7: The Royal Family of Brunei.
7th richest royal family in the world, ang maharlikang pamilya ng Brunei na pinamumunuan ni Sultan Hassanal Bolkiah. Ang Sultan ay nakatira sa pinakamalaking residential palace sa mundo na may hawak ng Guinness World Record na ito.
Nagkakahalaga ng $28 Billion net worth nila, na mula sa pag-e-export ng crude oil at natural gas. Dahil dito, si Sultan Hassanal Bolkiah ay naging isa sa pinakamayamang tao sa mundo. Sa katunayan ay niranggo siya ng Forbes bilang pinakamayamang tao sa mundo noong 1988. Simula noon ay nanatili na siya sa listahan ng pinakamayayamang tao sa mundo.
8: The Royal Family of Dubai.
Ikawalo naman sa puwesto ang royal family of Dubai. Pinamumunuan ni Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum na siya ring pinakamayamang indibidwal sa Al Maktoum Dynasty. Bukod doon, ang sheikh ay nagsisilbing kasalukuyang bise presidente at punong ministro ng UAE.
Ang kanyang pamilaya ay nagtayo ng isang multibillion-dollar empire sa paglipas ng mga taon. Ang pamilyang ito ay gumawa ng kanilang bilyun-bilyomg yaman sa pamamagitan ng mga string of investments kabilang ang Dubai Holdings, at Darley Stud na pinakamalaking horse racing breeding operation sa mundo.
Bukod sa mga negosyong ito, ang pamilya ay nagmamay-ari din ng malaking bilang ng mga mararangyang ari-arian sa buong mundo. Mayroon silang net worth na 18 Billion dollars.
9: The Royal Family of Morocco.
Ang Alaouite Dynasty ang maharlikang pamilya ng Morocco. Sila ang nakapuwesto sa ikasiyam na ranggo ng richest royal family in the world. Ang Pamilyang ito ay pinamumunuan ni King Mohammed VI, na naging hari noong 1999.
Ang kanilang kayamanan ay nagmula iba’t ibang investments na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong dolyar at ang kanilang net worth ay itinayang nagkakahalaga ng 8.2 Billion U.S. Dollars. Ayon sa American business magazine na Forbes, si King Mohammed VI ang pinakamayamang hari sa Africa at minsang naranggo bilang ikalimang pinakamayamang monarch sa mundo.
10: The Royal Family of Liechtenstein.
Ang royal family ng Liechtenstein ay pinamumunuan ng isang prinsipe, si Prince Hans-Adam II. Pinamumunuan ng pamilya ang Liechtenstein sa isang monarkiyang konstitusyon. Kung pag-uusapan ang kayamanan ay hindi sila pahuhuli, kaya naman ngayon ay itinuring sila bilang ikasampu sa pinakamayamang royal family sa mundo.
Ngayong 2022, ang Royal family ng Liechtenstein ay nagkakahalaga ng napakalaking net worth na $4.4 Billion na nagmumula sa isang malawak na hanay ng mga investments na may mataas na halaga mula sa real estate hanggang sa sining.
No comments:
Post a Comment