Chairman Bautista sa kanyang ill-gotten wealth: Pag-aari yan ng pamilya ko,tatay,nanay mga kapatid

Napilitan si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na ilantad sa media ang aniya ay pagtataksil ng kaniyang misis.
Ito ay matapos ilantad ng kaniyang misis na si Patricia Paz Bautista ang umano’y pagkakaroon niya ng ill-gotten wealth, 

Ani Bautista, pinili niyang manahimik alang-alang sa kapakanan ng kanilang mga anak, pero ngayong pinaparatangan na umano siya ng mali ng kaniyang misis ay kailangan na niyang ipagtanggol ang sarili.

“Hindi po totoo ang mga paratang na iyan. Matagal na kaming may problemang mag-asawa na ngayon ay nababahiran ng pulitika,” ani Bautista.

Tumanggi naman muna si Bautista na tukuyin kung sinong pulitiko o anung partido ang nasa likod ng sigalot.

Sinabi ni Bautista na siya ay biktima ng pagtataksil at panggagahasa sa kaniyang sariling pamamahay, matapos na ransakin at kunin ng kaniyang asawa ang mahahalaga niyang dokumento na kalaunan ay dinuktor para gamitin laban sa kaniya.

“Biktima po ako ng pagtataksil at panggagahasa sa aking sariling pamamahay. Form of male rape ito, yung right to privacy ko nalabag,” dagdag pa ni Bautista.

Ayon kay Bautista, ngayong lumabas sa media ang kaniyang misis, handa siyang sagutin ang mga ito at ilahad ang pangingikil sa kaniya at panggigipit.

Alam aniya ng misis niyang si Patricia na ang mga tinutukoy nitong yaman ay hindi lamang kay Bautista kundi pag-aari rin ng kaniyang magulang at mga kapatid.

“Alam niya (misis) po na hindi ko lamang pag-aari iyan, pag-aari yan ng pamilya ko, aking tatay, nanay mga kapatid, ako po kasi yung parang naging katiwala,” ani Bautista.

Si Chairman Bautista at asawang si Patricia ay mayroong apat na anak na lalaki na ang edad ay nasa pagitan ng 8 hanggang 16.



Source:  Radyo Inquirer

No comments:

Post a Comment

Sponsor