Management ng hotel, resto ibabawal na makihati sa tip – Sen. Villanueva
Ayon sa isinusulong na batas na inihain ni Senator Joel Villanueva, ipagbabawal na sa management ng mga hotels, restaurants at iba pang kahalintulad ng establisimiyento na makihati sa tip na ibibigay sa mga empleyado mula sa mga kustomer.
Ayon sa batas na ito, 85 porsiyento na nakokolektang service charge at tips ay mapupunta sa mga mga empleyado, samantalang 15 porsiyento naman ang mapupunta sa management.
Malalamang tinalakay na ang naturang batas sa Senate committee on labor, employment, and human resources development at inaasahang ilalabas na ang resulta sa mga susunod na araw.
Iginiit ni senator Villanueva na dapat lamang na mapunta sa mga empleyado ang 100 porsiyento ng mga tips at service charge mula sa mga kustomer.
Idinagdag ni Villanueva na maliit na bahagi lamang ng total income ng mga establisimiyento ang service charge at tip at dapat na mapunta ang kabuuan nito sa mga empleyado.
“The tip actually reflects the quality of service of our workers. It serves as incentive to do their best,” ani Villanueva.
Malaking tulong sa mga empleyado ang matatanggap na tip mula sa kustomer lalo na’t karamihan sa mga ito ay minimum wage earners lamang.
***
Source: Philstar
No comments:
Post a Comment