Teddy Casiño kay Bato: Ligtas na ang kalye. Mas duguan, pero mapayapa. Mas nakakatakot, pero ligtas.
Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa slammed the critics of the administration’s campaign against illegal drugs.
“Wala akong specific person basta kung i-criticize n’yo kami tanggap namin ‘yan, tanggap namin kayo. Pero ako naman bumwelta rin ako sa inyo, ingrato ka, nakikinabang ka sa peace and order, “Mga anak mo sarap, pumapasok ng eskwelahan, walang kaba, walang takot dahil bihira na ang krimen sa kalsada dahil sa war on drugs tapos ngayon tinitira n’yo kami,” Dela Rosa added.
Meanwhile, after Dela Rosa lashed out at drug critics for being ingrates, former Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, in his Facebook post, he mockingly thanked to Dela Rosa for making the country’s streets safer yet bloody and frightening due to reported summary killings linked to the drug war.
“Tenk yu ulit, Bato. Mas ligtas at mapayapa na ang mga kalye ngayon. Mas duguan, pero mapayapa. Mas nakakatakot, pero ligtas. It’s really super safe and peaceful out there. Ingat,”
The former Bayan Muna Rep. spelled out some diferences between the situations before and after President Duterte’s anti-drug campaign.
Read the full post below:
“Salamat, Bato. Thank you so much.
“NOON, pag naglalakad ako sa gabi, palinga-linga ako at nag-aatubili dahil baka may humablot ng celfone o pitaka ko, o may kumursonadang tambay na lasing, maton o adik.
“NGAYON, mas inaalala ko na baka may riding in tandem na bumaril sa akin o madamay ako sa kanilang barilan.
“NOON, pinababayaan ko lang ang mga anak kong lumaboy sa kalye at gumimik kasama ang mga barkada nila.
“NGAYON, pagkagat ng dilim dapat nasa loob na sila ng bahay. Hindi pwedeng lumabas ng nag-iisa. Ipinagbawal na rin namin silang kumain ng tapsi sa kanto kasi baka makalawit ng mga pulis, mabaril o madamay sa barilan.
“NOON, pag nakakita ako ng pulis, naaalala ko ang yumao kong lolo na isang pulis Maynila. Oo, marangal na pulis ang lolo ko.
“NGAYON, pag nakakita ako ng pulis, lalo ko pang naaalala ang aking lolo. Yung kaisa-isang beses na ginamit niya ang kanyang baril ay nung may manlaban at sumugod sa kaniya na may patalim. Binaril ng lolo ko yung tao sa hita ng isang beses at inaresto ng buhay. Buhay, hindi patay.
“Sabi ng panganay ko, sa halip na pag-ipunan namin na magkasariling bahay kami, bakit hindi na lang daw para kami’y mangibang bayan, kasi hindi na safe dito. Dahil sa iyo, Bato, napag-isip ang anak ko ng kung ano ang mas maganda para sa aming kinabukasan.
“Kaya tenk yu ulit, Bato. Mas ligtas at mapayapa na ang mga kalye ngayon. Mas duguan, pero mapayapa. Mas nakakatakot, pero ligtas. It’s really super safe and peaceful out there.
***
Source: Teddy A. Casiño FB
No comments:
Post a Comment