Ama ni Mabel Cama, dismayado sa CHR at CBCP

Kamakailan ay isang dalagang kawani ng bangko ang walang awang hinalay at sinunog ng pinaghihinalaang lulong sa droga.

Kinilala ang biktima na si Mabel Cama, 22, dalaga, residente ng Ortigas Avenue Extension, Brgy. Rosario ng nasabing lungsod.

Sa ilang araw na pagiimbestiga ng otoridad, naging suspek si Randy Oavenada, 40-anyos, isang drayber, matapos lumitaw sa imbestigasyon na tugma ang fingerprint niya sa nakitang fingerprint sa cellphone ng biktima.

“According to the result of the dactyloscopy examination made by the Eastern Police District-Crime Laboratory on the on the persons of interest and scene of the crime, of the lifted latent prints found in the cellphone of Mabel Cama matched with the standard fingerprints of Randy Oavenada while other latent prints owned by the possible cohorts of the suspect were still subjected for examination,” ayon kay sinabi National Capigal Region Police Office chief Director Oscar Albayalde.


Samantala dismayado naman ang ama ng dalagita na si Reynaldo Cama sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Commission on Human Rights (CHR).

Ayon kay Reynaldo simula noong nakaburol ang kanyang anak ni isa sa mga representative ng CHR at CBCP ay walang dumalaw sa burol na lubha nitong ikinadismaya dahil kilala ang CHR na tagapagtanggol sa karapatan ng mga indibidwal na naaapi o naagrabyado.

Matatandaang maingay ang CHR at CBCP sa mga nangyararing patayan sa bansa na may kinalaman sa iligal na droga, ngunit tila tahimik ang nasabing grupo sa pagkakasangkot ng suspek sa iligal na droga.


Ayon sa tatay ng dalaga, kung totoong ang ipinaglalaban ng CHR at CBCP ay ang karapatan ng mga taong walang kalaban-laban o inosente, ito umano ang pagkakataon ng grupo na mag-ingay o bigyan ng pantay-pantay na pagtingin sa bawat indibidwal.
***
Source:  rmn.ph
 

No comments:

Post a Comment

Sponsor