Maui Taylor, gusto nang ipantanggal ang kanyang breast implants.

Hindi na daw kumportable ang aktres at sexy star na si Maui Taylor sa pagkakaroon niya ng malaking dibdib dahil sa  kaniyang implants kaya nagdesisyon siyang ipatanggal na ito ngayong buwan. 

Isa si Maui Taylor sa popular na miyembro ng Viva Hot Babes na sumikat noong early 2000's kasama sina Katya Santos at Andrea del Rosario. 

Ayon sa panayam sa kanya sa Chika Minute segment ng 24 oras ay ito daw ang naging puhunan niya sa showbiz at ito rin ang nagpalakas ng kanyang self confidence noon. 

Meron dalawang anak na lalaki si Maui at dahil sa hindi na daw siya kumportable pa sa kanyang mga implants ay pabigat na daw sila ng pabigay habang tumatagal.

"Nung time po namin nu'ng nagse-sexy kami, talagang kailangan meron kang enhancements. Pero ngayon you can be sexy naman po even without that one eh." 

Naiilang din ako kapag meron akong eksena na naka-bathing suit ako... It's time to take it down kasi siyempre meron akong two boys na pinapalaki na sobrang over-protective rin sa akin."

Ngayon buwan niya ito balak ipatanggal at dahil sa busy schedule niya ngayon ay naghahanap pa siya ng magandang timing para ipaschedule ito.

"Baka po itong March, kasi naghahanap lang po ako ng free time sa schedule ko. It needs kasi at least mga three weeks na healing period." dagdag pa ni Maui

Maureen Anne Tupaz Fainsan ang tunay na pangalan niya. Kasal na siya sa isang DJ at businessman na si Anton Sabarre. Ang kanilang dalawang anak ay sina Antoine Miguel at Matteo Alonzo.


No comments:

Post a Comment

Sponsor