“Ano ang kaibahan ng NPA sa Maute o sa Abu Sayyaf? Wala. Pareho silang mga salot sa lipunan” – Paolo Duterte
A post from Vice Mayor Pulong Duterte-Official, a Facebook page of Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Zimmerman Duterte, supporting the declaration of President Rodrigo Duterte to the NPA as terrorist and not as rebellious group.
“Kailan lang, isang bata ang namatay dahil sa ginawang ambush ng teroristang grupo na ito sa Bukidnon. Ang edad ng batang babae ay 4 months old lang (Recently, a 4 month-old girl died because of the ambush did by this terrorist group in Bukidnon)” stated in the post.
NPA was also compared to the Maute group or to the Abu Sayyaf because of their similarities.
Read the full post below:
Suportado natin ang ginawa ni Pangulong Duterte na ideklarang terorista ang NPA.
Tama lang.
Dapat nga matagal nang dineklara na terorista ang NPA dahil sa mahabang record nito ng pandarahas, pagpatay, at pagpapahirap sa ating mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap na magsasaka at lumad.
Kailan lang, isang bata ang namatay dahil sa ginawang ambush ng teroristang grupo na ito sa Bukidnon. Ang edad ng batang babae ay 4 months old lang.
Mamamatay tao ang NPA. At pinupuri ito, iniidolo ng mga grupong katulad ng Gabriela, Bayan Muna, Karapatan, KMU, at iba pang grupo na saklaw ng grupong Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Bakit? Kinondena ba nila ang NPA? Syempre hindi. Legal fronts kasi sila. Sila-sila. Kampihan.
Sa mga naniniwala na may prinsipyo ang NPA, totoo naman na meron. Pero isa itong baluktot na prinsipyo na para lang sa pansariling interest ng kanilang mga lider.
Halimbawa — anti-mining ba ang NPA? Hindi. Kinikikilan nga nila ang mga mining companies ng milyon-milyon. Kung ayaw magbigay — sinunusunog nila ang mga gamit ng mina.
Saan napupunta ang pera? Sa mga lumad ba? Syempre hindi. Napupunta ito sa mga bulsa ng mga lider nila. Sila ang nagpapakasarap at nagpapakasasa.
Mabagal ang takbo ng development ng ating bansa dahil sa matagal na panahon ay hinayaan natin na takutin tayo ng NPA. Halos 50 years nang naghihirap ang bansa dahil sa kanila.
Kasi, tinuring silang baby noon. Mga spoiled brats.
Ano ang kaibahan ng NPA sa Maute o sa Abu Sayyaf? Wala. Pareho silang mga salot sa lipunan at hayok sa pera at dugo at gusto lang pahirapan ang bansa at ang mga Pinoy.
Tigilan na natin ang pagtawag sa NPA bilang rebeldeng grupo. Simulan na natin itong tawaging kung ano talaga sila — teroristang grupo.
***
Source: Vice Mayor Pulong Duterte
No comments:
Post a Comment