Atty. Chong, 2 CHR commr. filed criminal case vs Trillanes: “TINUPAD NAMIN ANG AMING PANGAKO”
Trillanes was allegedly violated the Article 142 of the Revised Penal Code for Inciting Sedition. Aside from that, he will also face an alleged violations of RA 136 or the Revised Penal Code for Propsoal to Commit Coup d’etat and Sec. 3(e) of RA No. 3019 for Graft and Corruption.
“TINUPAD NAMIN ANG AMING PANGAKO
“Noong nakaraang linggo, nangako kami na sasampahan ng kasong kriminal si Sen. Trillanes pagkatapos ng ASEAN Summit. Kahapon, tinupad namin ito. Sinampahan namin siya sa Prosecutor’s Office ng Pasay City ng ilang beses ng paglabag sa:
“1. Art. 142 ng Revised Penal Code for Inciting to Sedition o pangungudyok upang magkaroon ng kaguluhan;
“2. Art. 136 ng Revised Penal Code for Proposal to Commit Coup d’etat o pagmungkahi sa militar na magsagawa ng coup d’etat; at,
“3. Sec. 3(e) ng Republic Act No. 3019 for graft and corruption.
“Ang kanyang privilege speech sa Senado noong October 3, 2017 kung saan ginawa niya ang paglabag sa batas sa pamamagitan ng pangungudyok ng kaguluhan at pagmumungkahi ng coup d’etat ang pinagbasehan ng aming reklamo. Inulit pa niya ang mga paglabag na ito sa labas ng Senado tulad ng meeting ng Tindig Pilipinas sa UP at sa mga pahayag niya sa media.
“Hindi sapat na depensa ni Sen. Trillanes na ang kanyang privilege speech sa Senado ay isang protektadong talumpati sa ilalim ng saligang-batas.
“Ayon sa kasong US vs. Brewster (408 US 501), isang landmark case sa Amerika, pinakakasuhan si Sen. Brewster ng US Supreme Court dahil diumano ay tumanggap siya ng suhol o bribe kapalit ng kanyang boto sa mga panukalang batas sa postage rates at immigration. Depensa ni Brewster, hindi pwedeng busisiin ang kanyang motibo sa pagboto dahil ito ay legislative act at protektado ng Speech and Debate Clause ng kanilang saligang-batas. Hindi siya kinatigan ng Korte dahil ang pagtanggap ng pera kapalit ng boto ay malinaw na hindi legislative act. Ibig sabihin, kapag may nalabag na batas ang isang senador hindi ito protektado ng Speech and Debate Clause.
Sa kaso ni Sen. Trillanes, nilabag na niya ang Arts. 142 at 136 ng Revised Penal Code at Sec. 3(e) ng RA 3019 habang siya ay nagtatalumpati kaya hindi na ito protektado ng Speech and Debate Clause sa ilalim ng ating saligang-batas. Ang Speech and Debate Clause natin ay hango mula sa Speech and Debate Clause ng saligang-batas ng Amerika kaya ng mga kaso doon tungkol sa isyung ito ay may mabigat na timbang o persuasive effect sa parehong mga kaso dito sa atin.
Ang panggugulo o destabilisasyong ito ni Sen. Trillanes ay hindi lamang atake kay Pangulong Duterte at maging kay Sen. Richard Gordon na kanya ring kinaladkad dahil ayaw sumunod sa kanyang kagustuhan. Ito ay atake mismo sa katatagan ng ating republika. Walang maidudulot na mabuting kahihinatnan ang kaguluhan. Kung magsialisan ang mga namumuhunan dahil sa kaguluhan, mawawalan ang trabaho ang karamihan ng ating mga kababayan. Hindi natin ito papayagan.
At kung manaig ang kanilang destabilisasyon, hindi na natin malalaman ang katotohan tungkol sa nangyaring dayaan noong nakaraang halalan. Sa ilalim lamang ng administrasyong ito may totoong pag-asa tayo na lumabas ang katotohanan at matuldukan ang malawakang dayaan sa halalan. Here lies my personal interest sa kaso laban kay Sen. Trillanes.
(Kasama namin bilang complainants ay 2 dating commissioners ng Commission on Human Rights.)
***
Source: Glenn Chong FB
No comments:
Post a Comment