De Lima mananatili sa kulungan, petisyon upang makalaya, ibinasura ng SC

Nito lamang ay naghain ng pestisyon si Senator Leila De Lima kontra sa arrest warrant laban sa kinakaharap na kaso na mag-ugat sa paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).
Nais ng kampo ni senadora na ipawalang bisa ang arrest warrant ng Muntinlupa RTC Branch 204 at ipatigil ang pagdinig sa kaso.
Inihain nito sa SC ang kanilang petition for certiorari and prohibition na humihirit ng writ of preliminary injunction, status quo ante order at temporary restraining order.

Dahil sa botong 9-6 sa Supreme Court, mananatili ang senadora sa kulungan at matatagal pa ulit bago ang susunod na petisyon nito.


Nangangahulugan ito na siyam sa labing limang mahistrado ang kontra sa petisyon ng Senadora kaya mananatili pa rin siya sa piitan.

Matatandaan na nauna nang naghain ng petisyon si De Lima sa SC noong Pebrero matapos magpalabas ng arrest warrant si Muntinlupa RTC Branch 205 Exec. Judge Juanita Guerrero na kumukwestyon aa hurisdiksyon ng Muninlupa RTC sa drug case na isinampa ng DOJ.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Senator Manny Pacquiao tungkol sa naging desisyon ng SC at sinabi nitong dapat irespeto ng senadora ang desisyon ng Supreme Court.

“Although syempre kasama natin ‘yan (si Sen. De Lima), sa atin is we (should) honor the decision of the SC. Hindi natin pwedeng kalabanin o tutulan (‘yan),” Ayon kay Pacquaio.


Mula sa comment section ng balita ay ilang netizen ang nagbigay ng opinyon tungkol dito:

Ayon kay Julian Cumad: “Bakit nong inaresto dating PGMA..sa Pasay City RTC pinag isipan mo ba iyon??DOJ secretary ka nong panahong yun..dahil kalaban mo sa pulitika….the scale you rendered unto PGMA is measured back to you..imagine GMA was president, while you’re a senator…ask justice from youself..”

Fred Frorendo: ok makulong yan may kasalanan,si Gloria nakulong wala palang kasalanan gawagawa lang ni d5

LuiMarq Balubayan: Dapat talaga ibasura petition ni de5

 ***
Source:  rmn
 

No comments:

Post a Comment

Sponsor