Top 10 Of The World’s Most Luxurious Hotels In The World
Top 10 Of The World’s Most Luxurious Hotels
Kung ikaw ay nagpaplanong magkaroon ng isang hindi malilimutang bakasyon na siyang magpaparamdam sa ’yo ng karangyaan at satisfaction na ’yong pinapangarap, huwag mag-alala dahil sa artikulong ito ay tatalakayin natin ang “top ten” of the world’s most luxurious hotels!
Kaya naman huwag na natin itong patagalin pa at simulan na ang ating talakayan!
1. Burj Al Arab ng bansang Dubai
Mula nang magbukas ito noong taong 1999 ay agad itong nagkaroon ng bansag na “the first 7 star hotel” o ang marangya sa lahat ng nagsososyalang hotel sa buong mundo. Isa itong all-suite hotel na mayroong 28 double stories at 202 duplexes na itinatalang mula 1, 830 hanggang 8, 396 square feet! Bawat suite nito ay talaga namang pakikitaan ka ng mga first-class flourishes, kabilang napakadaming opsyon o pagpipilian sa bawat bagay sa loob ng suite, at isang butler na siyang magpapaliwanag sa ’yo ng mga ito.
Mayroon din itong anim na high-end restaurants, isang rooftop helipad, isang Rolls Royce shuttle service mula sa airport, at mga dingding na napalalamutian ng 24-karat gold leaf na talaga namang magpapadama sa ’yo ng labis na karangyaan! Layunin kasi ng hotel na ito na ma-satisfy at ma-relax, kahit ang mga bisita nilang pagod at galing sa biyahe.
2. The Palms, ng Las Vegas
Kilala ang Las Vegas bilang isa sa mga lugar kung saan ka makakikita ng napakaraming mga luxurious places. Ganoon pa man, dahil na rin sa iconic high-rolling atmosphere nito, isa ang The Palms sa mga nag-stand out sa lahat. Dahil na rin sa mga penthouse nito, maging sa mga themed suites, ang The Palms ay talaga namang itinuturing na isa sa pinakamarangyang hotel sa buong mundo. Sa katunayan, ang mga penthouse suites nito ay pinagdausan na ng ilan sa mga pinaka-high-profile parties na nakita sa Las Vegas.
3. Kamalaya Koh Samui ng Thailand
Dito ay may ibang aspeto ng kahulugan ang salitang ‘karangyaan’ sapagkat sa Kamalaya retreat, ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan ng kanilang mga guest ang siyang pinakapamantayan kaya naman itinuturing na “luxurious” ang lugar na ito.
Sa pagdating pa lamang ng kanilang mga bisita ay sinasalubong na nila ito ng kanilang signature mocktails para sa isang one-on-one consultation-on-arrival, kung saan maaari nilang idisenyo ang kanilang sariling perfect wellness experience.
Ang bawat araw ng kanilang mga bisita ay puno ng masasaganang klase sa pag-eehersisyo na pinangungunahan ng isang eksperto, mga espesyal na spa treatment, at five-star cuisines na talaga namang magpaparamdam sa kanila ng labis na karangyaan. Idagdag pa ang magagandang tanawing maaari mong pagmasdan ang ilang lugar na maaari mong puntahan kung saan maaari mong makita ang inaasam mong katahimikan at kapayapaan para sa iyong inaasam na perpektong relaxation.
4. The Ritz Carlton Wolfsburg ng Germany
Makikita sa loob ng Volkswagen Autostadt theme park ang five-star Ritz Carlton Wolfsburg na napalilibutan ng automotive, architectural, design, art, at culinary innovation.
Ang mga floor-to-ceiling window nito kung saan matatanaw ang Autostadt o ang makasaysayang Volkswagen plant ay pinagsama sa minimalist at kontemporaryong palamuti sa mga kuwarto at suite nito. Itinuturing na bell of the ball ang two-bedroom black and white suite nito na mayroong relaxing steam shower, separate soaking tub, living room fireplace, at pool table.
Idagdag pa riyan ang three-star michelin restaurant nitong “Aqua” na may modern European cuisine, isang floating outdoor swimming pool na nasa harbor basin, at isang spa na naka-focus sa paggamit ng mga organic treatments at iba pang produkto.
5. The Plaza, ng New York City
Itinuturing itong New York Icon, na nagho-host ng mga world leaders, at iba pang mahahalang tao, maging ng mga Hollywood royalties at mga broadway legends. Iyon ay simula pa ng taong 1907 kung kailan ito nagsimula. Iyon siguro ay dahil na rin sa inaalok nitong mga “one-of-a-kind rooms and suites” na talaga namang nagsusumigaw ng isang napakarangyang karanasan para sa mga bisita nito.
Halimbawa na lamang ay ang tower room nito na nagtatampok ng dramatikong 23-foot exposed brick turret ceiling. O ang Fitzgerald Suite King, na idinisenyo ng Oscar-winning designer na si Catherine Martin bilang pagpupugay sa Jazz Age at F. Scott Fitzgerald. Bukod diyan ay ang napakaraming dining option ng hotel na ito na kumpleto sa plush lounge seating at hanay ng mga signature cocktail.
6. Rancio Valencia Resort and Spa naman ng California
Na nag-aalok ng isang hindi pangkaraniwang karanasan dahil na rin sa sikat na sikat nitong tennis program, innovative cuisine, pati na rin sa rejuvenating spa nito, maging sa idyllic nitong klima buong taon.
Taong 2013 nang makumpleto ng property na ito ang kaniyang 30 million renovation, kabilang na ang remodelled guest casitas nito na mayroong hand-painted tile at mga custom furnishings, isang bagong restaurant at bar, at major enhancements sa spa at fitness center nito.
7. Mandarin Oriental ng Hong Kong
Mayroon itong 501 rooms and suites na may magagandang tanawin city skyline at Victoria Harbour, habang ang entertaining space naman ng Mandarin Suite ay may balkonaheng umaabot ang buong haba sa dalawang gilid nito, para sa walang kapantay na mga tanawin.
Dahil sa kombinasyon ng tradisyonal na serbisyo sa isang pulidong contemporary design, maging ang mahusay nitong kainan at makabagong mga pasilidad, ay hindi maikakailang ang Mandarin Oriental ay isa sa pinakamarangyang lugar sa mundo.
8. The Inn at Little Washington ng Virginia
Matatagpuan ito sa isang bayan sa paanan ng Blue Ridge Mountains. Mayroon itong dalawampu’t apat na silid, suites at cottage na nagtataglay ng mga elegante at engradeng kasangkapan, na bagaman kakaiba ay magpaparamdam sa ’yo ng pagiging komportable.
Ang Inn ay tahanan ng nag-iisang three-star Michelin restaurant sa Virginia. Ang restaurant, na pinamamahalaan ni Chef Patrick O’Connell, ay kilala para sa makabago, at talaga namang masasarap na lutuin na siya namang binabalik-balikan ng mga guests nito dahil sa pagiging pambihira ng kaniyang mga lutuin.
9. Aqualina Resort naman ng Miami
Kilala ito bilang ‘the world’s largest collection of independently owned Rolls Royces’ na matatagpuan sa iisang hotel lamang. Ang bawat guest na magbo-book ng tatlo o higit pang gabi sa kanilang Grand Deluxe Three-Bedroom Oceanfront Suite ay magkakaroon ng sarili nilang Rolls Royce Ghost na magagamit nila sa pananatili nila sa nasabing hotel.
Bukod sa high-speed amenities nito, nag-aalok din ang hotel ng tatlong oceanside pool, outdoor living room-style seating area, at world-class dining. Idagdag pa ang bawat isa sa limampu’t apat na kuwarto nito at ang apatnapu’t apat na suite na may malalaking floor plan at outdoor terrace na idinisenyo ng Miami designer na si Isabel Tragash upang bigyan ang mga bisita ng hindi malilimutang karanasan ng karangyaan.
10. Four Seasons Private Island ng Maldives
Ano pa nga ba ang mas rarangya sa pagkakaroon ng sarili mong private island, hindi ba? At iyon ang hatid ng lugar na ito sa Maldives na isa pa sa mga lugar na kilala pagdating sa mga luxurious places sa mundo.
Ang isla ay mayroong isang beach house na nagtataglay ng pitong luxury suites na kayang tumanggap ng hanggang dalawampu’g dalawang bisita. Sinisiguro ng lugar na ito na relax at talagang satisfied ang kanilang mga bisita sa pamamagitan ng pagbibigay ng eksklusibong paggamit ng Voavah Summer—o isang 62-foot private luxury yacht—isang dedicated 24-hour security team, at eksaktong dalawampu’t walong mga tauhan upang matupad ang pinapangarap na karangyaan ng bawat taong pupunta rito.
Nagustuhan mo ba ang paksang tampok ngayon? Kung oo, pag-usapan naman natin sa comment section kung alin sa mga nabanggit na luxurious hotels na ito ang nais mong puntahan?
No comments:
Post a Comment