Diktadurya at hindi demokrasya ang itinataguyod ni Duterte – Renato Reyes
“This is an attack against freedom of speech, right to organize, this is an attack on dissent, marami ho ang gustong patahimikin,” ani Reyes.
Sinabi rin nito na dapat irespeto ng Pangulo ang karapan ng bawat isa upang magpahayag.
“Kung talagang gusto nilang magtaguyod ng demokrasya, dapat inirerespeto ang karapatang mag-organisa, karapatang magpahayag, at hindi dapat kini-criminalized, hindi dapat ginagawang krimen ang pag-iisip o kumbaga yung political thought. Hindi yun pwedeng i-criminalized. All these things, pagtinignan mo nga, it’s going in the direction of a dictatorship, na parang ayaw na nilang makita na may mga bumabatikos o tumutuligsa,” dagdag pa ni Reyes.
Ayon kay Reyes, dahil sa pagaresto kay sa ng PISTON National President George San Mateo ay papunta na sa ang pangulo sa direksyon ng pagiging isang diktador dahil tila ayaw ng administrasyon na makakita ng mga bumabatikos o tumutuligsa sa paraan ng kanyang pamumuno.
“Huli kaming nagkita ng pangulo medyo nag-iba na ang kanyang tono sa ilang isyu. Very telling kasi nga he had a very long relationship with the progressive groups and even with the revolutionary movement in Mindanao. Siguro mga 30 years silang magkakakilala doon,” ayon kay Reyes.
No comments:
Post a Comment