Mga Celebrity na Nakapangasawa ng Sobrang Yaman

Mga Celebrity na Nakapangasawa ng Sobrang Yaman

Mga Celebrity na Nakapangasawa ng Sobrang Yaman

Napakahalaga ng paghahanap ng mabuting asawa o partner in life. Pero sa kasamaang palad, marami ang nabibigo rito.

Pero meron din namang mga sinuwerte at nakahanap ng mabuting asawa. Gaya na lamang ng mga sikat na showbiz personalities na ito na talagang hindi lang swerte kundi napakaswerte sa paghahanap ng asawa. Ito'y dahil hindi lang mababait at gentleman ang mga nahanap nilang asawa kundi sobrang yaman pa!

Sa artikulong ito, kilalanin natin kung sino-sino ang mga sikat na aktres na nakapangasawa ng mga ultra-rich o sobrang yaman na lalaki.

1. Beauty Gonzalez

Kilala ng lahat si Beauty Gonzalez bilang isa sa pinakamahusay na aktres sa showbiz industry. Unang nakilala si Beauty o Cristine Marie Luche Gonzalez sa tunay na buhay nang sumali siya sa Kapamilya reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition plus" noong 2008 kung saan hinirang siyang 4th placer.

Gayunpaman, hindi tulad ng ibang contestants ng PBB, si Beauty ay nagmula sa isang prominenteng pamilya. Ang kanyang ina ay nagmula sa isang sikat na political clan sa Cebu habang ang kanyang ama ay isang dating propesyonal na Jai ​​Alai player mula sa Spain. Ang pamilya ni Beauty ay nagmamay-ari ng malawak na hacienda ng niyog at tubo sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Samantala, nakilala ni Beauty ang kanyang asawa na si Norman Crisologo sa pamamagitan ng kanyang bestfriend na si Ellen Adarna na isa ring Cebuana.
Si Norman ay isang sikat na art curator at negosyante. Ayon sa ulat, unang nakita ni Norman si Beauty sa isang magazine at mula noon ay humanga nga siya sa kagandahan nito. Kaya naman kinontact nga ni si Ellen at nakiusap siya rito na ipakilala siya kay Beauty.

At masasabing 'the rest is history' na sa kanilang relasyon. Noong 2017, ikinasal sina Beauty at Norman. Ngunit ilang buwan bago ang kanilang kasal, ipinanganak muna ni Beauty ang kanilang unang anak na si Olivia.

2. Niña Jose

Si Niña Jose ay produkto rin ng PBB. Ilan lamang sa mga proyekto na kanyang kinabibilangan ay "My Girl", "Shake, Rattle, & Roll X", at "Mano Po 6".

Sa kabila naman ng kanyang kasikatan at tagumpay ay bigla na lamang huminto sa pag-arte si Niña.

Nagpasya nga siyang iwan ang showbiz para pakasalan ang 65-anyos na pulitiko at bilyonaryo na si Cezar Quiambao.

Si Cezar ay dating Alkalde ng Bayambang, Pangasinan. Ngunit bukod sa pagiging pulitiko, nagsisilbi rin si Cezar bilang CEO ng isa sa pinakamalaking IT company sa bansa, ang Stradcom Corporation.

Sa kabila naman ng malaking agwat sa edad nina Niña at Cezar, at sa mga nakukuha nilang batikos dahil dito, ay hindi ito naging hadlang para magkaroon sila ng masaya at payapang buhay pagsasama.

Sa kasalukuyan, mayroon silang anak na nagngangalang Antonio. Gayundin, si Niña ay kasalukuyang alkalde ng Bayambang.

3. Assunta de Rossi

Isa sa kontrobersyal ngunit pinaka-engrandeng kasal sa kasaysayan ng celebrity weddings ay ang kasal ng dating aktres na si Assunta de Rossi sa pulitika at tagapagmana ng isang kilala at napakayamang angkan sa San Carlos, Negros Oriental na si Jules Ledesma.

Dalawang beses na ikinasal sina Assunta at Jules. Una ay sa isang civil wedding noong 2002 kung saan 19-anyos pa lamang si Assunta habang si Jules ay 41-anyos naman. Makalipas ang dalawang taon, nagkaroon sila ng church wedding na ginanap sa Sanctuario de San Antonio, sa Forbes Park, Makati.

Samantala, pagkatapos ng 20 taong paghihintay, biniyayaan ng anak sina Assunta at Jules. Noong 2020, winelcome nila ang kanilang ‘miracle baby’ na si Giulia Florentina Alessandra, na kilala rin bilang Baby Fiore.

4. Kaye Abad

Ikinasal ang “Tabing Ilog” actress na si Kaye Abad sa businessman at ex-PBB housemate na si Paul Jake Castillo noong December 2016. At hindi lingid sa kaalaman ng marami na bago pa man pumasok sa showbiz ay mayaman na si Paul Jake dahil galing siya sa isang prominenteng angkan sa Cebu.

Ang pamilya lang naman ni Paul Jake ang nagmamay-ari sa isa sa pinakamalaki at matatag na pharmaceutical manufacturer at distributor sa bansa na International Pharmaceuticals Inc. Ang IPI ang gumagawa ng mga sikat na produkto tulad ng Efficascent Oil, Casino Alcohol, at Bioderm.

At bukod sa kanilang family business, si Paul Jake din ang nagmamay-ari ng sikat na Yobob Lechon de Cebu na sinimulan niya noong 2012.

Sa kasalukuyan, may dalawang anak na lalaki sina Kaye at Paul Jake na sina Pio Joaquin at Iñigo at masaya silang nakatira sa Cebu.

5. Erich Gonzales

Ang aktres na si Erich Gonzales ay unang umamin na mayroon siyang boyfriend noong 2018. Ngunit bago ito, nauna nang ibinahagi ni Erich na mayroon siyang non-showbiz guy na idine-date na hindi niya pinangalanan upang protektahan ang kanyang pribadong buhay.

Hanggang noong 2022, nabigyan ng pangalan at mukha ang boyfriend ni Erich matapos kumalat sa social media ang wedding banns nila ng fiancé na pala niya noong si Mateo Rafael Lorenzo.

Sa nabanggit na wedding banns, nakasaad na ang kanilang kasal ay gaganapin sa March 23, 2022 sa St. James the Great Parish sa Alabang Muntinlupa City.
Dahil naman sa pribadong pagkatao ni Mateo, kaya hindi maiwasan ng maraming netizenz na maintriga at magkainteres sa kanyang buhay. Kasunod nito ay nalaman nga ng marami na si Mateo ay mula sa isang mayamang angkan.

Ayon sa ulat, isa si Mateo sa labindalawang anak ng negosyanteng si Matin Lorenzo. Kilala si Martin sa mundo ng business bilang chairman, presidente, at chief executive officer (CEO) ng 18 kumpanya tulad ng First Lucky Agro-Industrial Corp., Lucky Holdings Corp, at Central Azucarera de Tarlac Inc., at Restaurant Concepts Group Inc. Bukod pa rito, kilala rin ang ama ni Mateo bilang dating CEO ng sikat na restaurant chain na Pancake House at Del Monte Philippines.

Samantala, si Mateo ay may kahanga-hanga ring background, maliban sa nagmula siya sa isang mayamang angkan.
Siya ay nakapagtapos ng Management Engineering sa Ateneo de Manila University noong 2004.

Nakapagtapos din si Mateo ng Master's degree in Business Administration (MBA) sa Wharton Graduate School ng University of Pennsylvania, na isa sa mga kilalang Ivy League Schools sa Amerika.

No comments:

Post a Comment

Sponsor