P1.5-B halaga ng dengue vaccine, nakatengga sa cold storage
Target sanang mabakunahan ang isang milyong estudyante sa grade 4 na siyam na taong gulang pataas sa mga pampublikong paaralan sa National Capital Region, Region 3, at Region 4-A.
Gayunpaman, wala pang 1 milyon ang mga batang naka-enroll, at nasa kalahating milyong magulang lamang ang pumayag sa bakuna, kaya lumalabas na sobra sobra ang biniling dengvaxia kumpara sa target na mga bata.
Ayon naman kay Dr. Tony Leachon, dating presidente ng Philippine College of Physicians, hindi dapat ibinigay ang bakuna sa napakaraming bata dahil bago pa lamang ang dengvaxia.
Sinabi rin nito na aabot ng ilang taon bago lumutang ang magiging side effects at komplikasyon sa katawan ng nabakunahang bata.
That’s a huge amount of money para magkamali,” ani Dr. Leachon.
Dati na ring binatikos ni Health Secretary Paulyn Ubial ang timing ng pagkakabili at pagkakalunsad ng Dengue Vacccination program, dahil ginawa ito sa kasagsagan ng kampanya para sa 2016 presidential elections.
“We are looking at efficacy and cost effectiveness. There are several vaccines in the process of clinical trials, and will be available in the market by 2018. There is information they are more effective than the current one we are using,” ani Sec. Ubial.
“There is a committee that reviews the adverse events following immunization. They came out with their report that the deaths are coincidental. They are not related to dengvaxia,” ayon kay Ubial.
Ang mga nakatenggang bakuna ay may expiration date na Mayo at Agosto 2018.
No comments:
Post a Comment