Renato Reyes at Teddy Casiño sinampahan ng kaso dahil sa kinahantungan ng rally kontra ASEAN
Dahil sa hindi magandang kinahantungan ng protesta sa T.M Kalaw Avenue sa Maynila, sinampahan ng Manila Police District (MPD) ng kaso ang ilang demonstrador kabilang sina Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes, dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño at ang isang demonstrador na si Neil Legaspi.
Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng mga lider ng mga nagrally tulad ng illegal public assembly, breach of peace, assault upon an agent of authority at disobedience.
Tinangka umano ng mga demonstrador na buwagin ang barikada ng mga pulis para makalapit sa US Embassy at sa pinagdarausan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit. Nagkaroon ng gulo at marami ang nasaktan.
Nagbigay naman ng pahayag si Renato Reyes tungkol sa nangyaring rally, sinabi nito na delikado ang paggamit sa Long Range Acoustic Device (LRAD) o sonic weapon dahil nagdudulot ito ng pinsala ng pandinig.
“Ito’y napakatining na tunog, high-pitched at masakit sa tainga. Tatama ito hindi lang sa nagra-rally, pati sa mga bystanders. Delikadong equipment ito,” ani Reyes.
Itinanggi naman ito ni Chief Superintendent Oscar Albayalde, pinuno ng National Capital Region Police Office.
“Ang LRAD po ay non-fatal iyan, wala pong harmful effect… Ginagamit po iyan talaga kapag hindi mo na talaga makontrol ang mga raliyista kagaya kahapon,” ani Albayalde sa panayam ng DZMM.
***
Source: news.abs-cbn.com
No comments:
Post a Comment