Hinimok ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang Kamara na bilisan ang pag-aakyat sa Senado ng impeachment case laban sa punong mahistrado.
Ayon kay Atty. Josa Deinla, tagapagsalita ni Sereno, sabik na aniya ang punong mahistrado na sagutin sa impeachment court ang lahat ng mga ibinibintang laban sa kaniya.
Advertisement
Muling iginiit ni Deinla ang paniniwala ng kanilang kampo na tanging ang impeachment lamang ang paraan para mapatalsik sa puwesto si Sereno kaya’t ito aniya ang kanilang pinaghahandaan.
Magugunitang inaprubahan na kahapon ng House Committee On justice ang Articles of Impeachment na siyang gagamiting argumento sa impeachment court laban sa punong mahistrado.
Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]- DWIZ
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
No comments:
Post a Comment