Sangkot sa drug trade:PETER LIM AT KERWIN ESPINOSA, ABSUWELTO!

INABSUWELTO ng National Prosecution Service (NPS) ang  sinasabing drug lord na sina Peter Lim at Kerwin Espinosa kaugnay sa kinahaharap nilang drug case sa Department of Justice.

Kaugnay ito ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o Republic Act 9165 na isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group dahil sa illegal drug trade sa Visayas Region.

Sa 41-pahinang resolusyon na pirmado ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan, ibinasura rin ng DOJ ang kaso laban sa iba pang respondents na kinabibilangan nina Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro at Lovely Impal.

Ang nasabing resolusyon ay sasailalim sa automatic review ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Ang kaso ay matatandaang base sa ibinigay na testimonya ng witness na si Marcelo Adorco, dating tauhan ni Espinosa na ibinulgar na sina Lim at Co ang supplier ng droga ng Espinosa Drug Group.

Gayunman, ayon sa NPS, bukod sa hindi magkakatugma ang mga ibinigay na impormasyon ni Adorco, itinuring din nila na self-serving ang testimonya nito dahil walang ipinrisinta ang PNP-CIDG na corroborating statement.

Advertisement
Binatikos ni Senador JV Ejercito ang pagkaka-absuwelto ng itinuturong mastermind sa operasyon ng illegal drugs na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim.

Ayon kay Ejercito tila nakakalitong mensahe ito para sa publiko dahil malinaw naman aniya sa mga isinigawang mga pagdinig sa Senado na mismong si Espinosa ang umaming sangkot ito sa iligal na droga noon pang 2005.

Inalala rin ni Ejercito na maging ang pagbibigay umano ng malaking halaga ng pera sa ilang mga opisyal ng gobyerno at mga alagad ng batas ay inamin din ni Kerwin.

Giit ng senador, dapat ipakita ng pamahalaan na seryoso ito na maparusahan ang mga sangkot sa iligal na droga malaking personalidad man ang mga ito o maliliit.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]- bulgaronline.com


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
Loading…


No comments:

Post a Comment

Sponsor