Juday at Ryan Agoncillo, may payo sa mga may trust issues.

Sa tagal na nang pagsasama ng celebrity couple na si Juday at Ryan Agoncillo ay madami na silang natutunan sa isa't-isa pagdating sa pagbuo ng tiwala ng kanilang relasyon at ang pangako nila na magkasama silang tatanda kasama ang mga anak nilang si Yohan, Lucho at Luna. 

Kinasal sila noong April 28, 2009 at magdidiwang na sila ng kanilang 12th year wedding anniversary ngayon darating na Abril.

Sa isang interview sa kanila ni Bianca Gonzalez, nagbigay ng kanya kanyang tips at reaksyon ang mga mag-asawa pagdating sa relasyon. Isa sa mga tanong ni Bianca ay ang,

How many years were you friends then how many years were you dating before getting married?

'Parang wala naman years yung friends-zone'

'It was a pretty smooth transition din, wala kaming anniversary as boyfriend-girlfriend. Ang marker naman si Yohan, so we'd say 16, right? all in all.

'We've been married for 11, going on a dozen years, we never actually had a boyfriend-girlfriend anniversary.'

Meron naman payo si Juday at Ryan sa isang netizen na nagtanong sa kanila pagdating sa trust issues sa pakikipag-relasyon.

I am in my 30s and it's been a long time that I have not been in a relationship, because I have trust issues. How do I learn to trust again and how do I know if someone is really interested in me? Thank you.

'I get it, why it's really hard to trust a person kasi all the time, kapag nasa relationship ka naman it's always, you know, 100% naman yung binibigay mo but not every person is the same. 

'Ang importante naman sa bawat moment na masaktan ka at magkamali ka is the lesson behind it, so push lang ng push, try lang ng try, God will really bless you with someone who deserves your love, attention and respect, dagdag pa ni Juday.

Ito naman ang naging sagot ni Ryan pagdating sa trust issues,

"For me kasi, when I talk about trust, mabilis akong madala. I'd like to talk about trust as something more tangible, ang hirap yung konsepto ng trust when you talk about love, maybe we can talk about, maybe sports.'

'I mean for me I'd like to equate it to sports, let say ako, sa mountain bike, pag sumemplang ako, iisipin ko bat ako sumemplang, pero magma-mountain bike at magma-mountain bike ako kasi gusto ko. So parang ganun din yung tingin ko sa love, pero siyempre matandain din ako, so tatandaan ko kung ano yung mga mali ko, but eventually the next day, I'm gonna get up and get on my mountain bike and attack the trail.'

'You don't try to anticipate everything to be perfect what you do is you prepare yourself, so that's how I think about trust. I-handa mo yung sarili mo'


No comments:

Post a Comment

Sponsor