Kris Aquino, proud na ipinakita ang nakuhang awards ni Bimby sa school.

Sa latest post ni Kris Aquino ay proud niyang ipinakita ang mga nakuhang certificates at medal ng kanyang anak ni Bimby. 

Hindi man niya sinunod ang yapak ng kanyang ama sa larong basketball ay nakuha naman niya ang katalinuhan ng kanyang ina. Ito ang mga nakuhang award ni Bimby sa kanyang school.

1ST HONOR IN GRADE 7

EXCELLENCE IN MUSIC AND ARTS

EXCELLENCE IN VALUES EDUCATION

EXCELLENCE IN COMPUTER

COURAGE AWARD

EXCELLENCE IN LIVELIHOOD EDUCATION

EXCELLENCE IN PHYSICAL EDUCATION

Sa lahat ng nakuhang award ni Bimby ay ang courage award daw ang favorite ni Kris Aquino.

Samantala, nagdiwang ng kaarawan si Kris noong Feb 14 at siya ay 50 years old na ngayon. Ayon kay Bimby ay hindi daw siya mukhang 50 at mukha lang siyang 25. 

Hindi naman naniwala si Kris sa kanya at binobola lamang daw siya nito. Nagbigay naman ng tig 5000 pesos sa 50 katao si Kris sa kanyang followers sa Instagram at Facebook.

"You are receiving 500 pesos from me para malaman ninyo na, I am so grateful I am making it to 50 years old, I'm grateful that I have this son, I'm grateful that my other son is loving his life in Tarlac."

Dalawang buwan din hindi nagkita si Josh at Kris dahil narin mas nagustuhan manirahan ni Josh sa Tarlac. Ilan sa mga kinahihiligan niya ay ang jogging, pagbibisikleta, at golf cart. 

Sinusuportahan din ni Kris kung saan man gusto mag-stay ni Josh at kasalukuyan siyang natutulog sa kwarto ng kanyang lola na dating Presidente na si Cory Aquino.

"Maligaya po si Kuya Josh sa Tarlac, ayawn a pong bumalik dito, ang panganay ko ay talagang masaya, payapa, at masigla sa kanyang pagbubuhay probinsiya.


No comments:

Post a Comment

Sponsor