Talentadong anak ng Goin' Bulilit host na si Dagul.

Jkhriez Pastrana ay isa sa mga anak ng goin bulilit host at comedian na si Romy Pastrana o mas nakilala bilang Dagul at siya ay 17 years old na ngayong taon. 

Si Dagul ay kasal na sa kanyang non showbiz partner at meron silang apat na anak, isang babae at tatlong lalaki. Normal ng taas ng kanyang mga kapatid at si Jkhriez lamang ang nagmana sa kanyang ama. 

Base sa website na MayoClinic, Dwarfism is short stature that results from a genetic or medical condition. Dwarfism is generally defined as an adult height of 4 feet 10 inches (147 centimeters) or less. The average adult height among people with dwarfism is 4 feet (122 cm).

Nakaranas daw ng matinding pambubully si Jkhriez noong nasa grade school siya at ilan sa mga ito ay below na belt na.

'Pag nakita daw nila or nakaaway nila ako hindi daw ako makakalaban kasi isang sipa lang naman daw nila sa akin, tutumba na ako. So naisip ko, hindi ba nila nage-gets yung sitwasyon ko.'

Hindi din ikinahihiya ni Jkhriez ang kanyang sitwasyon at proud na proud siya sa kanyang sarili at kung ano daw ang kayang gawin ng normal na tao ay kaya din niyang gawin. 

Hindi rin iba yung trato ng kanyang pamilya sa kanya at ginagawa nila itong prinsensa dahil siya nga lang ang nag-iisang babae sa magkakapatid. 

Isa sa mga hilig gawin at talento niya ay ang kumanta, nadiskubre ng kanyang ina na magaling ito kumanta noong 1 year old pa lamang siya at simula noon ay sumasali na siya sa mga singing contest at naiimbitahan na din siyang kumanta sa mga events at fiesta sa barangay. 

Na-inspire daw siya sa kanyang ama kaya nag-audition siya noon sa isang Star Hunt nang ABS-CBN at nakapasa naman siya.


No comments:

Post a Comment

Sponsor