Kumusta na nga ba ang nakalove-team ni Barbie Forteza na si Joshua Dionioso.

Namayagpag ang career ni Joshua Dionisio noong lumipat siya sa Kapuso Network galing sa ABS-CBN at nakilala siya bilang batang cholo sa Philippine remake ng Stairway to Heaven. 

Nadiskubre siya noong siya ay 8 years old pa lamang at naging commercial model. Lumipat siya noong 2009 sa GMA at doon siya nabigyan ng break. 

Nakalove-team niya si Barbie Forteza sa teen oriented show na First Time at gumanap siya bilang Lukas Ynfante kasama si Jake Vargas. 

Doon nakilala ang tambalang JoshBie na nagpakilig sa madaming kabataan. Naging magkaibigan lamang daw sila at sobrang malapit nila sa isa't-isa. 

Iniwan ni Joshua Dioniso ang showbiz noon at madaming fans ang nagulat at nagtatanong kung anong dahilan bakit siya nag-quit. 

Madaming ispekulasyon na kaya daw hindi niya tinatanggap ang mga shows na binigay sa kanya noon dahil hindi magkasundo sa talent fee. 

Pero sinagot naman ni Joshua ang isyu na kaya siya umalis sa showbiz noon ay para makapag-focus sa kanyang pag-aaral. 

Hindi din daw niya namimiss ang showbiz at nawalan na siya ng gana pa at hindi na siya masaya. Open pa naman daw siya sa mga guestings pero hindi na full time pa.

Sa katunayan ay naging parte siya ng Bawal Judgemental Segment ng Eat Bulaga noong nakaraang taon. Madami ang nakamiss sa kanya at gusto siyang bumalik sa showbiz.

"Balik ka na po sa gma..you're my childhood idol..😍 mula noon hanggang ngayon ikaw parin ang" lodi ko

"Sana po after ng pandemic na ito magsama sama po kayong mga tween hearts cast na kumpleto"

"Kelan ka uli may guesting ? Sayang hindi ko napanood"

In a relationship siya ngayon sa kanyang non showbiz girlfriend na si Allyza Yu. Nag-umpisa silang mag-date noong 2018.


No comments:

Post a Comment

Sponsor