Netizens, natuwa sa pagpapakatotoo at pagiging humble ni Jake Zyrus
2017 noong ikinagulat ng karamihan nang magpakilala si Charice Pempengco bilang Jake Zyrus na isang trans-man. Iba't-ibang kumento ang kanyang natanggap, madami ang sumuporta sa kanya pero madami din ang nagpakita ng kanilang pagkadismaya.
Sa isang interview sa kanya dati, ibinahagi ni Jake ang kanyang mga karanasan at pinagdaanan sa buhay sa kabila ng kanyang sekswalidad. Kahit madami man daw ang manghusga sa kanya ay ang importante ay nagpapakatotoo lamang siya at walang masamang ginagawa sa kanyang kapwa.
Masaya din ang lovelife ngayon ni Jake sa piling ng kanyang fiance na si Shyre Aquino. Bago pa man niya makilala ni Jake si Shyre ay apat na taon din nagtagal ang relasyon ni Jake at ang kanyang ex-girlfriend na si Alyssa Quijano na isang rin singer.
Ayon kay Jake, ang pag-iibigan daw nila ng kanyang fiance ay hindi inaasahan, si Shyre ay isa lamang taga hanga niya noon at nakilala niya noon sa kanyang show. Si Shyre ay isang sports at fitness instructor. Nag-kumento din ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco sa engagement nila ng kanyang anak at Shyre.
"Kung doon siya masaya, okay lang sa akin. Lahat naman sila kahit na wala silang komunikasyon sa akin, kung saan man sila masaya may blessing ‘yun,”
Meron din naman mensahe si Jake sa mga netizens,
"Para po sa akin ang true happiness and power mararamdaman lang po the moment you embrace who you are and the moment you accept yourself, that is the best feeling, the greatest power a person could have, you are who you are, you know what capable of and love yourself.
Madami naman natuwa at nagkumento sa pagiging totoo sa sarili ni Jake,
'Masyado ng bugbog itong tao na ito sa mapang husgang mundo. Pero they dont know kung gaano kabuti ang puso nito. Thank you Jake Zyrus! We love you!!!'
'Legend tong si JZ sa totoo lang. Ellen show, Oprah, Celine Dion, glee and many more. Hirap marating yung narating nya.'
'The youngest winning X Factor Judge. At the age of 20, she mentored KZ Tandingan from Philippines. Nakakaproud dba?'
'Can we just be happy for him. You may be entitled to your opinion but he is entitled to live his life. Can we just be kind. He deserves to be happy, he doesnt have to live his entire life pleasing all of you. Respect pls.'
'At least masaya sya sa buhay nya, kahit pa sankaterba lumalait sa kanya. Ano namang klaseng pamumuhay yung ginagawa mo eh gusto ng nakararami instead nung gusto mo para sa sarili mo. Keep living your life and good luck Jake!'
'Being Charice wont make him happy, atleast he is in a part of his life that he is most comportable of.:) im happy for his bravery:) Be like him. be on a place that you like to be, not on a place where other people like you to be:)'
No comments:
Post a Comment