Dating flight attendant, hindi ikinahihiya ang pagtitinda ng fishball at kikiam

Madaming nawalan na trabaho dahil sa pandemic lalo na ang mga nagtatrabaho sa mga airline companies. Isa na rito si Leigh. Apat na taon siyang nagtrabaho sa isang airline company bilang flight attendant. 

50-70 thousand pesos ang sahod niya noong flight attendant pa siya pero dahil sa pandemic ay napabilang si Leigh sa mga na-retrench. Walang magawa si Leigh kundi tanggapin na lamang at maghanap ng ibang pagkakakitaan dahil bread winner din siya sa kanilang pamilya. Nagtitinda na siya ngayon ng mga street food sa kanilang lugar at hindi niya yun ikinahihiya.

"Ang naiiisip ko lang po, paano sila mama, paano sila papa, paano kami, paano ako. Yung acceptance po na wala akong trabaho noon, sobrang hirap po sa akin."

"Hindi naman po ako nanggaling sa mayamang pamilya para ikahiya ko po na magbenta po ako ng fishball at kikiam. Yun po ang comfort food ko kami po ng mga kapatid ko, so sabi ko, why not gawin ko siyang business."

"Nung una pong inumpisahan ko yan, namuhunan po ako ng 15 thousand, pinuhunan ko po yun sa gamit sa paninda, sa mga kailangan po na panluto ng mga sauce."

Kumikita si Leigh ng 500 pesos a day at hindi rin naman daw ito permanenteng trabaho pero malaking tulong na ito para sa kanilang pangkain araw araw. Binabalak din niya ngayon na mag-apply sa mga iba't-ibang kumpanya.

Image via Reporter's Notebook

Umani din ito ng mga positibong kumento at suporta mula sa mga netizens,

"There's no shame in that. Ang importante nag hahanapbuhay ng malinis."

"She's just being humble of herself not unlike those other people who's social climber though, So proud of her."

"Dati rin ako flight attendant but sadly na layoff din. ngayon sa barista ako sa starbucks. Malayo ang sahod pero sabi nga ni drake. God's plan."

"I'm also a vendor of street foods in the age of 16.For those  people na minamaliit kami especially some of our relative,Just wanna say that someday we will be successful.I will prove that they are wrong!♥️Mabuhay ang lahat ng  nagtitinda ng street foods."

"This is the kind of person that would be successful in life, very determined and hard working amidst everything she is going through. God Bless this lady."

"Ate ko FA Pero kahit Walang Work nitong Pandemic, may Naitatabi pa rin cya. Sabi niya Kalaban ng FA ay Luho. Kaya Habang may Work Tipid-Tipid kc dimo masabi kung Kailan ka Mawawalan ng Work. Tawag sa Kanya ng Kuya ko, CORY-Kuripot. Paano Lagi nsa Divisoria Nakikipagsiksikan kahit may Pera."


No comments:

Post a Comment

Sponsor