Lovely Abella at Benj Manalo, nakabili ng bagong sasakyan dahil sa online business.

Natupad na ang isa sa mga pangarap na pagbili ng bagong sasakyan nang newly-married couple na sina Lovely Abella-Manalo at Ben dahil sa kanilang ipon mula sa kanilang online selling business. Pinangalan nilang "Mic Mic" ang sasakyan na nabili nila sa kanilang businesses na BenLy's online at Lovely Cosmetics PH.

"Pangarap ka lang namin noon pero kasama ka na namin ngayon, meet "Mic Mic" ang bago naming baby na nakamit namin dahil sa pandeMIC."

"Nagsumikap kami lalo sa panahon na down na down kami, di alam kung saan kami kukuha ng lakas, si LORD lang talaga ang sasagot at tutulong sa atin."

"Pero wala lahat ng yan kung uupo upo lang tayo at mag hihintay kung kelan niya ibibigay kung hindi tayo mismo ang magsusumikap para mabuhay."

"Sinwerte lang talaga kami sa "online selling" BenLy’s online shop tiwala ang isang pinanghahawakan namin sa lahat ng mga zuki namin, hanggang sa pumasok ang lovelycosmeticsph na forever naming aalagaan."

"Kaya mangarap ka lang sabayan mo ng sipag at tiyaga PROMISE makakamit mo."

Nagpaabot din ng kanilang pagbati ang ilang celebrities kagaya nina Kakai Bautista, Kris Bernal, Patricia Tumulak, Arny Ross, Sunshine Garcia, Krystal Reyes at Jay Gonzaga.

2019 noong nag-propose ang anak ng komedyante at Eat Bulaga co-host na si Benj kay Lovely Abella sa isang fake shooting. Kinasal naman sila pagkatapos ng pagsasama nila ng anim na taon noong January 23, 2020 sa Quezon City. Ang wedding dress ni Lovely ay regalo sa kanya ng matalik niyang kaibigan na si Kathryn Bernardo na nakasama niya sa pelikulang "Hello, Love Goodbye." 

Unang nakilala si Lovely bilang isa sa mga dancers ni Willie Revillame sa kanyang show sa ABS-CBN. Si Benj naman ay isa ring aktor, modelo at dancer. Napapanood naman siya sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN.




No comments:

Post a Comment

Sponsor