Princess Punzalan, hindi biro ang labanan ng pag-aartista sa Amerika.
Ibinahagi ni Princess Punzalan ang kanyang naging karanasan sa pag-apply bilang artista sa Amerika. Sa interview sa kanya ni Paolo Contis sa online show na Just In, ipinaliwanag ni Princess ang proseso at kung gaano kahirap bago makuha ang isang role.
Kasi ang labanan ng pag-aartista rito sa US parang Miss Universe. Talagang libo-libo ang artista na naglalaban for that one role, so pagalingan talaga.
"Actually I never went to school for acting pero dito kinailangan kong mag-aral. I'm coaching with someone, his name is Billy Hufsey at marami siyang kinorek sa mga bad habits ko bilang artista, tinuruan niya ako ng mga style na kung paano gamitin ang camera at paano manatili dun sa apat na sulok ng camera. There are always new things that we can learn," dagdag pa ng aktres.
Tinanong din ni Paolo si Princess kung ano ang pagkakaiba ng pagtatrabaho sa Pilipinas sa Amerika pagdating sa pag-aartista.
"Isang bagay na yung alam mo kung kelan ka uuwi. Alam mo kung anong oras ka uuwi. 8 hours ang work and then pag lumagpas ng 8 hours may overtime, sila mismo marunong na mag-estimate kung ilang eksena ang kakayanin sa walong oras."
"Dito satin hindi mo alam kung kailan ka uuwi at kung uuwi kaba. Magdala kana ng mga gamit mo dahil hindi mo alam baka kailangan mong maligo dun sa shooting sa location."
Kasama sina Princess at Lea Salonga sa cast ng pelikulang Yellow Rose na idinirek ng half Filipino-American filmmaker na si Diane Paragas.
Isa rin si Princess sa mga magagaling na kontrabida sa telebisyon at mga pelikula noon lalo na sa seryeng "Mula sa Puso" bilang Selina Perreira-Matias. Dati siyang kasal sa Wowowin host na si Willie Revillame pero hindi sila nagkatuluyan. Kinasal muli si Princess kay Jason Field na isang American marketing professional. Bukod sa pag-aartista sa Amerika ay isa rin siyang nurse doon.
No comments:
Post a Comment