Mayor Vico, nakiusap na wag na magpadala ng larawan ng kanilang pš²wet para mabakunahan.
Nakikiusap ang Pasig Mayor na si Vico Sotto na itigil na ang pagsesend sa kanya ng mga larawan ng kanilang pš²wet para mabakunahan ng COVID-19 vaccine.
'Wag niyo na pong idagdag ang pš²wet niyo sa iniisip ko."
Dagdag pa ni Mayor na okay lamang daw na mabakunahan sa pš²wet dahil normal lamang iyon at medical naman ang usapan pero pakiusap niya ay wag isend ang larawan direkta sa kanya. Masaya din daw siya sa mga nabakunahan niya na nagpapadala sa kanya ng larawan ng kanilang mga braso.
By schedule ang gustong magpabakuna sa kanyang mga kababayan sa Pasig at hindi pwede ang magwalk-in lamang.
Image via Mayor Vico IG Story |
Makakatanggap sila ng text message mula sa Pasig Public Information Office sa kumpirmasyon ng kanilang schedule. Maayos din ang sistema at mahigpit niyang ipinagbabawal ang magkumpulan sa vaccination site para hindi magkahawaan kung sakali.
Hindi din daw palakasan ang pagbabakuna, dahil mismong ina ni Mayor Vico na si Coney Reyes ay dumaan sa tamang proseso.
"67 years old po ang nanay ko, lumalabas pa siya pag may trabaho so dapat din talaga mabakunahan pero walang palakasan, dumaan po sa tamang proseso, nagfill-up siya ng form, hinihingi pa nga niya sakin ang link, sabi ko ma tignan mo nalang sa PIO [Public Information Office] Medyo kinakabahan din siyang mabakunahan pero willing naman siya."
Victor Ma. Regis "Vico" Nubla Sotto ang buong pangalan ni Mayor. Madaming nag-akala na susundan niya ang yapak ng kanyang mga magulang na si Bossic Vic at Coney Reyes sa showbiz pero bata pa lamang siya ay malaki na ang interest niya sa Public Administration.
Nakapagtapos siya ng Bachelor or Arts degree in Political Science sa Ateneo de Manila University noong 2011 at tinuloy niya ang post-graduate degree in public administration sa Ateneo School of Government at nakapagtapos siya noong 2018.
Sa ngayon ay wala pang napapabalitang kasintahan ni Mayor dahil masyado itong busy sa kanyang trabaho.
No comments:
Post a Comment