Ronnie Ricketts, matinee idol noong 80's at 90's.

Si Ronald Naldo Ricketts o mas nakilala sa screen name na Ronnie Ricketts ay isang aktor at naging matinee idol noong 90's. 

Bago pa niya pasukin ang mundo ng showbiz ay isa na siyang martial artist at ramp model. Nadiskubre siya at nakita ang potensiyal niyang maging isang sikat na action star dahil sa galing nitong umarte.

Napabilang siya sa pelikula nina Nida Blanca at Dolphy na 'My Heart Belongs to Daddy' at nakatambalan niya ang diamond star na si Maricel Soriano. 

Naging Presidente din siya ng Philippine Film Actors Guild at former Chairman ng Optical Media Board (OMG). 

Nakatanggap na din siya ng Fernando Poe Jr. Memorial Award at star sa Walk of Fame sa Eastwood.Madami naman humanga sa mga larawan niya noong kabataan pa niya lalo na ang mga batang 80's at 90's.

Kinasal naman siya sa isa ring aktres, host at singer na si Mariz na nagpasikat ng mga kanyang Kasalanan Ba, Iyong Iyo at Paano Pa Kita Malilimutan noong 1993. 

Meron silang dalawang anak na babae na sina Marella Rosabelle at Raechelle Marie. Isa rito ay napansin sa internet dahil sa taglay nitong kagandahan. 

Si Raechelle ay pinasok na rin niya ang mundo ng showbiz kagaya ng kanyang ama. Medyo nahihirapan daw siya noong una dahil maraming drama scences per dahil sa suporta sa kanyang ng mga magulang ay nagawa niya ito ng maayos. 

Mahilig din itong magbisikleta bilang kanyang workout at pangarap niyang maging Marine Biologist o designer na nagpu-focus sa Environmental or Wildlife Conservation.

Gaya ng kanyang ama ay may konting kaalaman din siya sa martial arts. Makikita sa mga larawan na ibinabahagi ng mag-asawang Mariz at Ronnie na sobrang close sila sa kanilang dalawang anak na babae. 

Makikita sa mga larawan nila na mahilig silang mag work-out, kumain sa labas at magsimba. Halos tatlong dekada nang kasal si Mariz at Ronnie at hanggang ngayon ay maayos at solido parin ang kanilang pagsasama.


No comments:

Post a Comment

Sponsor