Ang masyang pamilya ni Dawn Zulueta.
Isa si Dawn Zulueta sa may pinakamagandang mukha sa showbiz lalo na noong dalaga pa siya. Nagsimula siya sa Philippine showbiz noong 1986 at ang ang kanyang tunay na pangalan ay Marie Rachel Salman Taleon-Lagdamaeo.
Siya ay may dugong Palestinian, ang kanyang lolo na si George Anton Salman ay isang Palestinian-Arab na tumira sa Pilipinas pagkatapos ng World War II.
Kinasal siya kay Anton Lagdameo na isang businessman at politician noong 1997 at hanggang ngayon ay masaya parin ang kanilang pagsasama. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang anak na sina Jacobo Antonio at Ayisha Lagdameo.
Kung sakali man daw na gusto nilang sundan ang yapak ng kanilang ina sa pag-aartista ay kailangan muna daw nilang makapagtapos ng pag-aaral at malaya na sila kung anong gusto nilang gawin sa buhay nila basta sila ay masaya.
Image via dawnzulueta IG |
Medyo late nang nagka-anak ang mag-asawa. Nabuntis si Dawn sa kanyang panganay na anak noong siya ay 36 years old at 40 years old naman siya noong isinilang niya ang kanyang pangalawang anak.
Pitong taon daw ang hinintay nila bago nabuntis si Dawn pero hindi naging madali sa kanya ang pagdadalang tao dahil nagkaroon siya ng problema sa kanyang kalusugan.
Nalaman niya na buntis siya noong panahon na babalik na siya sa telebisyon dahil nagpahinga ito ng ilang taon sa showbiz. Samantala, nagdiwang si Dawn ng kanyang 52nd birthday noong March 04, 2021.
Madaming humanga sa kanya dahil hindi siya nahihiyang ipakita ang kanyang grey hair. Ayon sa mga ilang kumento doon ay bagay na bagay daw sa kanya ito at kitang kita parin ang kanyang kagandahan.
Image via dawnzulueta IG |
"52 today...Blessed to see another year. A year ago today, I had no idea that in just a matter of days the world would turn itself inside out due to the covid_19 pandemic."
"I had a whole year to reflect deeper about how precious life is as we wept with those who lost their battles and stood strong with those who still fight."
"In one year, I got to re-evaluate myself and my priorities. A full year of sifting and shaking so that I am only left with what matters most."
"I thank every one of you, who even through SocMed, gave a kind word of support, encouragement, a word of peace and love. Thank You for helping me get through the year that was."
No comments:
Post a Comment