Mikee Cojuango, masaya at kuntento kahit walang anak na babae.
Magsa-sampung taon na rin simula noong nagdesisyon ni Mikee Cojuangco na iwanan ang kanyang karera sa showbiz at pinili na lamang niya ang pribadong buhay kasama ang kanyang pamilya.
Kilala si Mikee bilang isa sa mga orihinal na miyembro ng IT girl kasama sina Regine Velasquez at Donna Cruz sa pelikulang Do Re Mi noon 1996.
Bukod sa pagiging miyembro ng IT Girl ay isa rin siya sa mga nangungunang leading lady noon at bigating aktres.
Kinasal siya kay Robert 'Dodot' Jaworski na isang sikat na basketbolista noong at ang pagsasama nilang mag-asawa ay biniyayaan ng tatlong anak na lalaki.
Sila ay sina Robbie VincentA Anthony Jaworski III, Rafael Joseph at Renzo Mikael Jaworski. Ayon kay Mikee ay nagkaroon na daw ng girlfriend ang kanyang panganay pero pagdating daw sa pakikipagrelasyon nila may medyo defensive siya in a good way.
"Yung mga naging girlfriend niya okay naman, natatawa lang ako kasi may mga kaibigan ako na mas matanda sakin tapos nagkukuwento sila nung may mga girlfriend ang mga anak nila tapos nagustuhan nila tapos nag-break, minsan sila yung umiiyak, tapos pinagtatawanan ko sila as in harap harapan.
Image via rafcj_k/mikeecj IG |
"Sabi nila sige pag nagka-girlfriend ang anak mo na gusto mo tapos nag break sila sasama din ang loob mo, iiyak ka din. Siyempre nung nagbreak sila tapos type mo siyempre nalungkot din ako," sagot ni Mikee sa isang interview sa kanya ni Paolo Contis Just In.
Dahil sa hitsura ng mga anak ni Mikee ay tinatanong daw siya kung papayagan niya silang mag-artista ang mga ito. Sagot naman ni Mikee ay hindi daw nila hilig ang pag-aartista at mas mahilig daw sila sa sports kagaya ng basketball kaya malabong pasukin nila ang mundo ng showbiz.
Masaya at kuntento naman daw ang mag-asawa kahit puro lalaki ang kanilang mga anak at hindi sila biniyayaan ng anak na babae.
Image via mikeecj IG |
"Para sakin dbest part is, siguro hindi naman din magiging iba kung nagkaroon kami ng anak na babae, but the chance to have been active with them of course, at a certain point, ayaw na rin nila akong kalaro sa basketball kasi hindi na ako challenge sa kanila e," pabirong sagot ni Mikee sa interview sa kanya sa Magandang Buhay.
"I also grew up na wala akong kapatid na lalaki so I'm able to enjoy being around boys. Ako kasi yung reyna sa bahay since I have 3 boys and of course spoiled ako sa asawa ko."
"So, I think God knew also na I wouldn't know what to do kung may anak akong babae, yung mga bihis bihis na ganyan, yung mga abubot, so siguro sabi niya puro boys nalang anak mo," dagdag pa ni Mikee."
No comments:
Post a Comment