Ito na pala ang buhay ngayon ni Maybelyn dela Cruz.

Natatandaan niyo paba ang sikat na childstar noon na si Maybelyn dela Cruz? Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz noong napabilang siya sa sitcom na 'Home Along Da Riles' bilang anak ni Nova Villa noong 1992. 

Bukod pa sa sitcom ay napabilang din siya sa sikat na youth-oriented show na 'Ang TV' kung saan nakasama niya sina Jolina Magdangal, Roselle Nava, Angelica Panganiban, Claudine Barretto, Rica Paralejo, John Prats, Angelu de Leon, Camille Prats, Shaina Magdayao, Kaye Abad at Patrick Garcia.

Ang dating child star ay ikinasal noong Enero 20, 2008 kay Dagupan Councilor Michael Fernandez sa Manila Metropolitan Cathedral. 

Una silang nagkakilala noong 2005 sa National Assembly of the Philippine Councilors League (PCL) kung saan si Maybelyn ay isang host. 

Biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Maria Olivia na apat na taong gulang na ngayon. Matagal din na panahon ang hinintay nilang dalawa bago sila nagkaanak, sa tulong na in vitro fertilization procedure (IVF) sa Lee Women's Hospital sa Taiching, Taiwan ay nabuntis si Maybelyn noong 2016.

Ilan sa mga paboritong libangan nila ay ay mag-travel sa iba'-t ibang lugar at bansa. Ilan sa mga bansa na knailang nabisita ay kinabibilangan ng Germany, Spain, Portugal, Italy, France, Singapore, Malaysia at ang Amerika. 

Hindi nagtagal ay sinundan ni Maybelyn ang yapak ng kanyang asawa sa pamamagitan ng pagtakbo sa isang puwesto sa konseho ng lungsod ng Dagupan City noong 2010. 

Sa katunayan, nakakuha siya ng pinakamataas na bilang ng mga boto noong 2013 elections matapos niyang mahalal muli. Noong 2019 naman ng natapos ang kanyang termino bilang konsehal ng lungsod, pinalitan siya ng kanyang asawa na si Michael na nakuha ang pwesto noong nakaraang halalan.

Sa ngayon ay abala si Maybelyn sa mga iba't-ibang proyekto niya sa Philippine National Red Cross at pag-aalaga sa anak nila ni Michael. 

Tumatanggap parin siya ng mga guestings sa mga telebisyon at lumabas siya noong 2019 sa Eat Bulaga kasama niya ang mga kapwa niya contestants noon sa Little Miss Philippines. Naimbitahan din siya kasama ang mga co-star niya sa 'Click' sa talk show na 'Mars Pa More'.


No comments:

Post a Comment

Sponsor