Kilalanin ang nagpapatibok sa puso ni Michael de Mesa na si Julie.

Isa sa mga mga magaling na kontrabida sa mga pelikula at telebisyon si Michael Edward Gil Eigenmann o mas nakilala bilang Michael de Mesa, nakakainis at madami man nagagalit sa kanya dahil sa galing niyang umarte bilang kontrabida ay ibang iba naman siya sa tunay na buhay. 

Sa mga larawan na ibinabahagi nito, makikita na masayahin at down to earth ang aktor. Mahilig din siyang magpatawa at napakakalog nito sa mga video na pinopost niya sa kanyang IG account.

 Ipinagdiwang ni Michael ang kanyang ika-61st birthday noong Mayo 24, 2021 at may nakakakilig na mensahe ang kanyang misis sa kanya.

"HAPPY BIRHDAY, MY LOVE! You’re a great actor and an even better husband. Yeah, you may be annoying sometimes but I still want to spend every irritating moment with you."

"You’re my favorite pain in the 🍑! Thank you for being so much more than I could ask for. I love you fiercely, truly, dearly, without end. Forever Yours, Julie."

Si Julie Reyes-Eigenmann ang nagpapatibok ng kanyang puso ngayon. Siya ay isang dancer/choreographer. Ikinasal sila sa Amerika noong 2011. 

Kahit 13 taon ang agwat ng kanilang edad ay hindi ito kailanman naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Si Michael at 61 taong gulang na at si Julie naman ay 48 na ngayong taon.

Nagdesisyon silang manirahan sa Amerika noong 2010 pero dahil namiss nila ang Pilipinas at kanilang mga kamag-anak ay bumalik muli sila sa Pilipinas noong 2015 dahil iba parin daw ang buhay dito sa Pinas. 

Bago pa man magka-pandemya ay madalas silang mag-travel sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa. 

Bukod pa dito ay madalas din silang magpunta sa gym o kaya naman ay magwork-out sa kanilang tahanan. Makikita din sa mga larawan nila na fit silang mag-asawa. 

Kailangan din ito ni Michael dahil aktibo parin siya sa showbiz at akting lalo na't kasama siya sa longest running primetime Kapamilya series na 'FPJ's Ang Probinsyano'. 

Magdidiwang na sila ng kanilang 10th anniversary ngayong darating na Septyembre. 


No comments:

Post a Comment

Sponsor