Jean Garcia, hindi halatang 51 na ang edad.
Single pa din ang status ng kapuso aktres na si Jessica Anne Rodriguez o mas kilala bilang Jean Garcia. Nagmula siya sa Angeles, City Pampanga.
Nakilala siya bilang Madam Claudia Buenavista sa orihinal na bersyon ng Pangako Sa 'Yo kasama sina Jericho Rosales, Kristine Hermosa at Eula Valdez.
Labing tatlong taon din siyang nagtrabaho sa ABS-CBN at nagdesisyon siyang lumipat sa Kapuso network noong 2006 at talagang alaga siya ng GMA dahil napakadaming shows ang binibigay sa kanya. 15 na taon na siya ngayon bilang kapuso simula noong lumipat siya noong 2006.
Image via chic2garcia IG |
Siya ay 51 na ngayon pero hindi mo mahahalata sa bata ng kanyang hisura. Madaming nagsasabi sa kanyang mga tagahanga sa kanyang socmed na mukha lamang siyang late 30's at early 40's. Dahil na din sa pormahan niya ay nagmukuha talaga itong bagets.
2014 noong naghiwalay sila ng kanyang boyfriend na businessman pero ngayon ay single pa din siya pero hindi niya masyadong prayoridad ang pagkakaroon ng boyfriend at pakikipagrelasyon.
Meron naman daw na iniimbitahan siyang makipag-date at ilan daw dito ay mas bata sa kanya kaya hindi niya ito masyadong ine-entertain dahil madalas ay hindi daw sila masyadong seryoso sa buhay at hindi pa ready mag-settle down. Kung makikipag-date man daw ito ay mas prefer niya yung ka-edad lamang niya.
Image via chic2garcia IG |
Dahil may apo na siya sa kanyang anak na si Jennica at manugang na si Alwyn Uytingco ay mas nakatuon daw ang pansin niya sa mga ito.
May isa rin anak si Jean sa dati niyang nakarelasyon na Hapon na si Kotaro Shimizu. Nakilala ni Jean ang isang Japanese advertising executive noong nagtatrabaho pa siya sa Japan bilang singer sa isang hotel.
Dahil nga may sariling pamilya na rin ang panganay niyang si Jennica ay madalas ay mas kasama niya si Kotaro lalo na kapag lumalabas sila at pumupunta ng mall.
Madami naman nakapansin sa anak niya dahil sa angkin nitong kagwapuhan at pwede daw itong mag-artista.
Image via _kotaroshimizu IG |
Matatandaan noon na inamin ni Jean na hindi siya nakakatanggap ng financial support sa ama ni Kotaro kaya siya ang nagpalaki dito mag-isa.
Naghiwalay ang dalawa dahil gusto daw ng Hapon na tumira sa Japan si Jean pero hindi daw ito gusto ni Jean dahil hindi daw niya makita niya ang sarili niya na naka-kimono at nasa bahay lamang kaya hindi ito sumang-ayon sa gusto niya.
Hindi naman niya ipinagkakait ang anak niya kung gusto man siyang makita ng kanyang ama.
No comments:
Post a Comment