Watch: Taxi driver na hinold-up ni Carl Arnaiz ikwenento ang nangyari

Si Marleo Bagcal ay isang taxi driver na diumano ay tinangkang holdapin ng 19-year-old na si Carl Angelo Arnaiz, isang dating estudyante ng University of the Philippines.
Kwento ng driver ay pinara siya ng binatilyo at nagpahatid ito sa Caloocan City noong araw ng Agosto 17,2017.

Isinalaysay ni mamang driver na napansin nito na tila bilasa at hindi mapakali ang binatilyo at nagulat na lamang ito ng tutukan siya ng baril at nagdiklara ng holdup.


Nung mga oras na iyon ay mabuti nalang ay may mga pulis na nahingian nya ng tulong.

“Pinutukan daw sila… Pinutukan sila e syempre anong reaksyon ng mga pulis natin? Nakipag-barilan na rin. Patay,” kuwento ni Bagcal.

Nagbigay naman ng pahayag ang ama ni Carl Arnaiz. “Kasi nung time na yon, umalis ng mga alas dose ng gabi yan. Magmemeryenda lang.” Saad ng ama.

“Puro kasinungalingan lang ho ‘yan kasi kilala ko anak namin. Hindi pala-layas ‘yan e” Dagdag nito.



“Ni minsan hindi pa siya nakarating ng ganoong kalayong lugar.”

“Hindi namin sukat akalain na ganun mangyayari sa anak namin.”

Lumabas sa forensic analysis ng Public Attorney’s Office na pinahirapan si Arnaiz bago pinatay base sa mga tama ng bala at bugbog sa katawan.

“Malalalim ‘yung gasgas niya, mukhang kinaladkad ito at mukhang binugbog. Magang-maga ‘yung kanyang mga mata. Meron din kami nakitang marka na siya ay pinosasan. Maraming marka ng posas,”

Panoorin ang salaysay ng driver na si Marleo Bagcal:


No comments:

Post a Comment

Sponsor