MGA PINOY CELEBRITIES NA MAY KASINTAHAN/JOWA/ASAWANG AFAM/FOREIGNER

MGA PINOY CELEBRITIES NA MAY KASINTAHAN/JOWA/ASAWANG AFAM/FOREIGNER

MGA PINOY CELEBRITIES NA MAY KASINTAHANJOWAASAWANG AFAMFOREIGNER

Bago natin alamin kung sino-sinong mga celebrities ang nakahanap ng pagmamahal sa mga foreigner. Atin munang alamin kung ano ang ibig sa sabihin ng afam. Ang afam o A Foreigner Assigned in Manila ay isang gay lingo dito sa Pilipinas. 

Maraming mga local celebrities ang hindi itinadhana sa kapwa Pinoy pero nakahanap naman ng pagmamahal sa mga afam. Narito ang mga kasintahan/asawa ng mga celebrities na mga afam at ang iba ay may lahing pinoy din.

Una sa ating listahan ay si Roxanne Barcelo at ang asawa nitong si Jiggs. Matagal muna niyang hindi isinapubliko ang mukha ng kanyang mister sa social media pero ngayon ay ipinakita niya ang buong mukha nito. Tinawag niyang The Panda Family ang kanilang pamilya. Meron na silang anak na si Cinco.

Ang sumunod sa listahan ay ang asawa ng Kapuso aktres Diana Zubiri na si Andy Smith. 

Siya ay half Filipino half Australian na isang businessman at modelo. Nagkakilala sila sa isang blind date at ngayon ay meron na silang dalawang anak na sina Alliyah Rose at Amira Jade. Nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng blind date at ikinasal noong 2015 sa Quezon City. 

Sumunod naman ay ang kapuso aktres na si Glaiza de Castro. 

2019 noong ibinahagi ni Glaiza ang unang larawan nila ni David sa kanyang social media account. Si David ay isang Irish businessman at diving instructor. 

Madalas siyang bumisita sa Siargao dahil surfing ay isa sa kanyang mga kinahihiligan at doon niya nakilala si Glaiza. Magmula noon ay lagi na siyang bumabalik sa Pilipinas hindi lang para mag-surfing kundi para makasama na rin ang kanyang minamahal. 

Ang kapamilya aktres naman na si Bela Padilla ay may kasintahan ding afam na si Norman Ben Bay na taga Switzerland. 

Walang balak noon na makipagrelasyon si Bela dahil sobrang layo nila sa isa't-isa at hindi mahirap ang long distance relationship lalo na't mahal ang flights. 

Si Bela ay half Filipina-British at Krista Elyse Hidalgo Sullivan ang kanyang totoong pangalan. Siya ay may tatlong kapatid sa ama sa England mula sa unang pamilya ng kanyang ama, habang meron din siyang isang kuya mula sa pareho niyang mga magulang.

Sumunod naman si Solenn Huessaff at ang asawa nitong si Nico Bolzico na isang Argentinean. Ayon sa aktres ay hindi niya noon type si Nico ng una niya itong nakita at nakilala at hindi pa siya noon ready ma-inlove dahil masyado siyang busy sa kanyang buhay sa showbiz, pero sila ang itinadhana sa isa't-isa.

Ang dating Eat Bulaga co-host naman na si Isabelle Daza ay kasal na din sa isang french businessman na si Adrien Samlat. Taong 2016 ng kinumpirma ni Isabelle na engaged na silang dalawa. Pitong taon din silang naging mag-boyfriend girlfriend bago nag-propose si Adrien. Kinasal sila noong September 2016 at ito ay ginanap sa Italy.

Sumunod naman sa listahan ay si Georgina Wilson na isang half Filipina slash British na isang VJ, aktres at m𝔬delo. Noong 2015 ng nagsimulang makipag-date si Georgina sa isang British bus𝔦nessm𝔞n na si Arthur Burnand.

Ikinasal naman sila sa Winchester, England noong 2016 at present ang mga kaibig𝔞n nito na sina Anne Curtis, Solenn Huessaff, Tim Yap, Isabelle Daza, Liz Uy, Jasmine Curtis-Smith, Rajo Laurel at marami pang iba.

Ang GMA singer na si Rachelle Ann Go ay kasal na din kay Martin Spies. Matagal na rin wala sa bansa at hindi napapanood sa telebisyon ang Kapuso singer. Masaya at tahimik na ang buhay niya ng𝔞yon sa ibang bansa kasama si Martin at ang panganay nilang anak na si Lukas Judah Spies. 

Si Iza Calzado naman ay kasal na rin kay Ben Wintle noong 2018 na ginanap sa Coron, Palawan. Una silang nagkakilala noong 2011 at ayon sa dalawa ay nalove at first sight sila sa isa't-isa. Si Ben ay isang British entrepreneur at siya ang unang foreigner na naka-date noon ni Iza. 

Nito lamang buwan ay inanunsyo ng mag-asawa sa kanilang social media na buntis si Iza sa edad na 40. Ito ang naging caption ni Iza sa kanyang Instagram post.

"So I had all these big plans for my for 40th year on Earth as it also coincides with my 20th year in the industry. I already completed a few of the exciting projects lined up for me and there were a few dream projects in the pipeline. I was ready to usher in this new chapter in my life."

"Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan."

"In my forty years I have come to discern when God is steering me to a different direction. A path I may not have thought of yet it always turns out to be the best for me. So now, I surrender to His will with no resistance."

"God’s plans are always far greater than mine and I humbly accept this new chapter of my life with a heart filled with gratitude, casting all my fears and worries aside and simply trusting in the divine timing and wisdom of life. Something deep inside me knows that you will propel me to greater heights to soar higher than ever before in ways I cannot even begin to imagine. You will give me THE WHY, THE PURPOSE, THE DIRECTION in life, and I embrace you in my life as we build, along with Ben — your dad, a FAMILY!"

"As a character of mine said in a film, “In love there is no fear.” So I will choose to live each day giving life to you vibrating from this frequency — LOVE."

"They were right. Life does begin at 40. Simply put, your life begins as your mother turns forty. To know that life is growing inside me is a great miracle. You are my miracle. You are my guiding light."

"Thank You, Lord, for the most beautiful birthday gift. Our ABUNDANCE."

Ang kapamilya star naman na si Bangs Garcia o Valerie Garcia ay masaya narin ang buhay kapiling ang asawa na si Lloyd Birchmore. Si Lloyd ay half British slash Filipino na isang businessman. Nagkakilala sila noong 2015 sa Boracay habang nag-iinuman sa labas ng kilalang bar doon na 'Epic'.

Ang komedyanteng si Pokwang ay hindi rin nagpahuli. Noong 2015, nakilala niya ang American actor at  host na si Lee O'Brien sa set ng movie nilang "Edsa Woolworth" na ipinalabas noong 2014. Biniyayaan sila ng anak na babae na si Malia Francine O'Brian. Pero noong Hulyo lamang nitong taon ng ibunyag ng komedyante na hiwalay na sila ng ni Lee. Kinumpirma ito ni Pokwang sa kanyang social media account.

Aniya, "Yes its been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia, natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng panginoon.  

Ikaw aking nanay Gloria ang aking inspirasyon sa pagiging matatag at matibay na nanay. Salamat sa iyo at alam kong lagi kang nakagabay sa amin ng mga apo mo kaya ni minsan at kailan man di ka mawawaglit saking mga dasal.

Sa mga single parent na kagaya ko hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya. Hindi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay."

Hindi rin papahuli si Ate Glow. Nakilala si Rene Boy Facunla or mas kilala bilang Ate Glow dahil sa pag impersonate niya sa dating Pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo. 

Nakilala niya ang kanyang British husband online pero hindi sa dating app. Ito daw ay app para sa mahilig uminom ng wine. Kinasal sila sa Chelsea Town sa London noong 2016 sa Chelsea Registry Office kung saan kinasal si George Clooney.

Ang TV host naman na si KaladKaren ay engaged narin sa kanyang British boyfriend na si Luke Wrightson pagkatapos ng walong taon na magkasintahan. Unang nagkita ang dalawa sa Hongkon noong 2012.

Sunod sa ating listahan ay ang dating dabarkads ng Eat Bulaga na si Julia Clarete. Kinasal siya sa kanyang foreign partner na si Gareth McGeownI sa reland noong 2017 na CEO ng Coca-Cola Philippines. 

Nagkakilala sila sa Pilipinas noong nagta-trabaho si Gareth dito. Nanirahan si Julia kasama ang asawa at anak sa Malaysia ng tatlong taon pero nagdesisyon muli sila na bumalik sa Pilipinas ng dalawang taon para mag-explore. Namiss daw nila ang buhay dito pero balak nilang lumipat muli ng ibang lugar.

Sunod sa ating listahan ay ang Pinoy Big Brother Lucky 7 winner na si Maymay Entrata. Unang isinapubliko ni Maymay ang mukha ng kanyang foreign partner na si Aaron Haskell noong araw ng mga puso na may caption na, "Happy Birthday my Valentino". 

Noong nakaraang buwan naman ay nagpost din siya ng video nilang dalawa na kung saan ay napilit daw ni Maymay si Aaron na mag-Tiktok. Marami naman masaya para sa kanya at kitang kita daw na masaya sa piling ng kanyang afam.

Sumunod sa ating listahan ay ang Dear Uge star na si Eugene Domingo. Hindi pa huli para umibig para sa singkwentay anyos na aktres at komedyante na si Eugene Domingo. Siya ngayon ay in a relationship sa isang Italyano na si Danilo Bottoni. 2019 noong nagdesisyon na magretiro si Danilo sa kanyang trabaho para manirahan sa Pilipinas at makasama ang kanyang minamahal na si Uge.

Kilala ang mga Italyano sa galing nila sa pagluluto kaya madalas ay si Danilo daw ang nagluluto sa bahay lalo na kapag galing sa trabaho o taping si Uge.

Para rin kay Uge ay siya na ang hinihintay niyang 'The One' at hindi ito makapaniwala na magkasama na sila sa iisang bubong.

Ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach naman Si Pia ay  in a engaged na sa kanyang Scottish businessman na si Jeremy Jauncey na Founder at CEO ng Beautiful Destinations.

Noong May 6 ay inanunsyo ni Pia sa kanyang Instagram na engaged na silang dalawa ni Jeremy na boyfriend niya ng dalawang taon.

Si Ina Raymundo ay kasal na ng halos dalawang dekada sa kanyang Canadian-Ukrainian husband na si Brian Poturnak. Sila ay biniyayaan ng artistahing mga anak na sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika, and Minka.

Ibinahagi ni Ina ang larawang ito noong 2000 kung saan ito ang una nilang date.

"This photo was taken on our very “first date” June 17, 2000 when my husband and I had the same hair. A lot of people (especially my relatives) would comment that we looked alike and that we’ll end up together. I’m sure you’ve heard of that “kasabihan” that if a couple has a strong resemblance, they’ll end up marrying each other. Must be true."

Ang kapamilya star naman na si Lovi Poe ay in a relationship din sa kanyang british boyfriend na si Monty Blencowe. Nakabase ngayon si Monty sa Los Angeles California. Ayon kay Lovi ay hindi madali ang long distance relationship lalo na't magkaiba ang kanilang timezone pero sa kabila nito ay nananatiling matatag ang kanilang relasyon dahil sa tiwala at komunikasyon.

Dahil puro mga lalaking afam ang isinama natin sa part one nitong video. Maiba naman tayo sa panghuli. 

Ang kapamilya star na si Joseph Marco ay nakahanap ng pag-ibig sa isang Russian Model na si Dasha Romanova. Ayon sa post ni Joseph, naniniwala daw siya sa mga anghel dahil sa kanyang kasintahan na talaga namang sobrang ganda ng mukha. 

Noong nakaraang taon ay isinapubliko ng aktor ang mukha ng kanyang girlfriend sa pamamagitan ng pagpost nito ng larawan nilang dalawa sa Instagram.


No comments:

Post a Comment

Sponsor